NILINAW ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi pa nila tuluyang binawi ang extension ng concession agreement ng Maynilad at Manila Water.
Ayon kay MWSS Administrator Emmanuel Salamat, tanging ang board resolution na naglalatag ng mga termino sa extension ang kanilang kinan-sela.
Kailangan lang na magkaroon ng negosasyon ang extension ng naturang kasunduan.
Sa 1997 Concession Agreement, mapapaso ang kontrata sa 2022 pero pinalawig pa ito hanggang 2037.
Comments are closed.