(MWSS kumpiyansa) TUBIG SA ANGAT DAM ‘DI BABABA SA CRITICAL LEVEL

Angat Dam

TIWALA ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi sasadsad sa critical level ang tubig sa mga dam, partikular na sa Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay Engineer Patrick Dizon, division manager ng MWSS, nasa 175 hanggang 176 meters lang ang kayang isagad sa leb- el ng tubig sa Angat Dam, batay na rin sa pag-aaral na isinagawa ng Inter-Agency Tech- nical Working Group.

Ganito rin ang naging pagtaya ng mga kinatawan ng PAGASA, National Water Resources Board (NWRB), National Irrigation Administration (NIA) at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Sinabi ni Engr. Dizon na maiiwasan ang pagsadsad sa critical level ng mga dam dahil may dalawa hanggang apat na bagyo ang inaasahang magpapaulan sa bansa ngayong buwan, na tutulong sa water elevation sa mga reservoir.

Sakali namang kulangin ang suplay ng tubig, tiniyak ng division manager na magkakaroon ng rebate ang 2 water concession- aires para sa mga customer na maapektuhan ang water interruption.

Sa kabila nito, nanawagan sa publiko ang MWSS na patuloy na magtipid sa paggamit ng tubig dahil tatagal pa ang epekto ng El Niño hanggang sa ikalawang quarter ng 2024.

DWIZ 882