MULING nilinaw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na walang water crisis sa bansa.
Ito’y sa kabila ng araw-araw na water service interruption o mahinang pressure ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila.
Ayon sa MWSS, malayo naman sa critical level ang Angat Dam na pinagkukunan ng 90% ng suplay ng tubig ng Metro Manila at mga karatig lugar.
Una na ring tiniyak ng ahensiya na sapat ang suplay ng tubig hanggang matapos ang taong 2023.
Gayunman, iginiit ni dating MWSS Chairman at National Water Resources Board Executive Director Dondi Alikpala na dapat maghanda para sa susunod na taon dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Ibinabala ni Alikpala na kung kakapusin ang mga pag-ulan ngayong taon ay maaaring hindi makamit ang safe level ng water storage na gagamitin para sa susunod na tag-init sa taong 2024.
Sa datos ng PAGASA Hydro-Meteorology Division hanggang Martes, bumaba pa sa 199.13 meters ang water level sa Angat mula sa 199.37 meters noong Lunes o 12.87 meters na ang ibinaba mula sa normal high water level na 212 meters.
DWIZ 882