(MWSS sa LGUs)MAGING HANDA SA WATER CRISIS

Angat Dam

NANAWAGAN ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng ordinansa bilang handa sakaling magkaroon ng krisis sa tubig.

Sa panayam ng DWIZ, nilinaw ni MWSS Deputy Administrator Jose Dorado na ang suhestiyon ng kanilang ahensiya ay hindi ipinagbabawal ang mga inflatble pool kundi yaong mga aktibidad na permanenteng ginagamitan ng tubig gaya ng car washing at golf courses.

Iginiit ng opisyal na dapat malaman ng publiko ang tamang pagtitipid ng tubig upang maiwasan ang kakulangan sa water supply.

Nilinaw rin ni Administrator Dorado na mayroon silang inilatag na guidelines sa tamang pagkonsumo ng tubig.

DWIZ 882