Nag-iisang anak ni Arlene Andes si Chris. Isinilang siya at lumaki sa Brussels, Belgium.
Si Arlene? Nasa dugo niya ang pagiging mamamahayag. Nang makatapos ng kolehiyo sa Lyceum of the Philippines University, agad siyang namayagpag sa Industriya bilang radio producer at announcer bilang si Lady Arlene.
Nang lumipad siya patungong Belgium, agad niyang itinatag ang Andes Radio International kung saan co-host niya ngayon ang kanyang anak.
Sa nasabing radio program, eksklusibo niyang nakakapanayam ang mga kilalang tao tulad nina President Arnold Rüütel of the Baltic Republic of Estonia at President Vytautas Landsbergis of Lithuania.
Sa kanyang mapanghikayat na ngiti at welcoming face, sinong mag-aakalang 64 years old na siya at malapit nang maging Lola?
RLVN