MY BROTHER’S KEEPER, IKINASA NG PNP

PNP

TARLAC – INILUSAD sa lalawigang ito ang ang “My Brother’s Keeper”  na ginanap sa Kanlahi Convention Center na dinaluhan ng matatas na opisyal ng pulis.

Ayon kay Acting PNP Provincial Director Police Colonel, Dave Poklay ang programang ito ay bahagi ng internal cleansing strategy na binubuo ng  Preventive, Restorative at Punitive sa pagbibigay ng paalala sa mga pulis, partikular sa mga  naliligaw ng landas.

Aniya, dapat tapikin ng kasama nitong pulis, sa pamamagitan ng squad leader at pastors na siyang magbibigay ng counseling sa mga kabaro na nalilihis sa kanilang mga sinumpaang tungkulin bilang alagad ng batas.

Sinabi naman ni Police Major Palmaira Guardaya, personnel ng Admin ng Camp Macabulo tinatayang nasa 1,638 ang bilang ng mga nakatalagang pulis sa 18 bayan kabilang ang isang siyudad.

Ipinaliwanag ng opisyal na hinati sa tig-walo, katao ang bawat squad mula sa 1,638 PNP personel ng probinsiya na  umabot sa 219 na squad, kung saan tatagal ng 10 sessions sa pagbibigay ng counseling.

Karaniwan umano sa mga  nawawala sa  tamang pag-iisip ay ang mga  pulis, na iniwan ng asawa nalulong sa bisyo tulad ng  illegal drugs sugal at iba pang criminal activities.

Pinangunahan ni PMGen.Ma O Ranada Aplasca, director ng Directorate for Operations bilang guest of honor and speaker.

Kabilang sa dumalo sina PBGen.Leonardo M Cesnores PRO 3 Regional Deputy for Administration, (ret) PLt. Col Elmar Sillador at ang MBK Over-All Program Supervisor; Adiel H De Torres,Th.D.MBK Over-All Values Coach Coordinator/Trainer, PEMS Rodolfo Collado Jr. Respo, PRO4-A at MBK Over-All Regional Squad Leader, 217 Life Coaches.

Nabatid na kabilang ang PRO-3 sa pilot areas ng programa,at ang National Capital Region(NCR) at Pro-4-A. THONY ARCENAL