My dream house

MALIIT  lamang ang bahay na gusto ko. May sukat itong 44 square meters may apat na silid-tulugan, may maliit na swimming pool at may deck at parking. Itatayo ito sa gitna ng bukid kung saan matatanaw ang mga berdeng kabundukan at naninilaw na palayan na hitik na hitik ang uhay sa bunga. Ambisyoso po ba? Saka paano magkakasya ang 44 sqm sa mga gusto kong features?

Four bedrooms dahil isa para sa akin, tig-isa ang dalawa kong anak, at share sa isa ang dalawa kong grand-daughters. Double deck ang built-in bed sa grand-daughter’s bedroom para kahit paano, may privacy. My pull-out bed din sakaling may dala silang visitor.

Lahat ng bedrooms, dapat, may sariling toilet and bathroom, kaya hindi kailangang mag-agawan sa paggamit ng banyo. Bawat banyo, may shower head at flushable toilet na may bidet. Ang size ng banyo ay 2sqm lang, na inclusive sa size ng bedroom na 16 sqm.

May built-in clothes cabinet dapat ang bawat room, na sapat para sa mga damit at sapatos ng isang tao. Sa banyo, may hanging cabinet para sa mga towels, gayundin ang malaking personal mirror.

Gusto ko nga pala, French windows lahat para mahangin, at napapalibutan din ng veranda ang mga rooms, pero screened para hindi makapasok ang lamok. Ambitious ang dream house ko, pero malay mo, matupad ang pangarap ko.

Sa first floor ang pool na ang sukat ay 3 x 4 meters lang at four feet lang ang lalim, at car park – para sa small car or kahit tricycle or motorbike. May taas ang bawat storey na 8 feet para hindi mauntog ang matatangkad – dahil matangkad ang lahi namin – at ang flooring ay concrete, pero ang walls ay hardiflex para hindi gaanong mabigat.

Gusto ko ng French windows at accordion doors para tipid sa space dahil maliit lang ang bahay, at para din madaling buksan. Sa roofdeck, doon ilalagay ang kitchen, dining at living room. Walang walls sa roofdeck liban sa trellis na magsisilbing harang sa veranda.

Ang total floor area ng dream house ko ay 42 sqm. (452 sqft.) (16.4ft.x11.8ft.). Dahil ang bare minimum height ng bawat storey ay 8 feet, lumalabas na 24-30 feet ang magiging taas ng dream house ko. Yung deck kasi, iyon ang lumalabas na third floor. May bubong din ito, pero hindi galvanized kundi insulations lamang upang maging maaliwalas. Sa roof deck ang kitchen, living room at dining room para hindi mag-aamoy ulam ang bahay kahit walang exhaust fan.

Anyway, pwede amang maglagay ng accordion walls in the future, para kapag umuulan, hindi mababasa, at kung tag-araw, pwedeng buksan upang maglabas-masok ang sariwang hangin.
Iyan ang dream house ko. Kung matutupad ito, at kung kaylan, ewan ko. NLVN