MYANMAR NATIONAL ITINUMBA

pinagbabaril

CAMP VICENTE LIM –ISANG 25-anyos na Myanmar national ang namatay matapos tambangan habang papauwi ng kanyang tahanan sa Lameranda St. Laguna Bel Air 1, Brgy Don Jose lungsod ng Sta Rosa kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Sta. Rosa City Police Chief Lt. Col. Vicente Amante ang biktimang si John Simon, may asawa at  naninirahan sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, dakong alas-4:05 ng umaga nang maganap ang insidente makaraang magtungo ang biktima sa clubhouse security office para ipagbigay alam ang kahina-hinalang kilos ng dalawang lalaki na umaaligid sa lugar.

Natiktikan ito ng mga suspek kaya’t inabangan ang biktima pabalik ng bahay at pinagbabaril ito bago tuluyang tumakas.

Inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga tumakas na suspek. DICK GARAY

Comments are closed.