MYASTHENIA GRAVIS- ANO ANG SAKIT NA ITO NG ATING MAHAL NA PANGULONG DUTERTE?

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

Ang Myasthenia Gravis ay isang autoimmune disorder kung saan ang ating natural na depensa sa ating katawan ay siya ring umaatake sa ibang normal na parte ng a­ting organs. Ang normal functions ng ating muscles ay naka-depende sa maayos na transmission ng nerves kaya ito ay ating nagagalaw na naa­yon sa ating gusto. Ang signal na nagpapagalaw ng ating muscle ay sanhi ng neurotransmitter na “Acetylcholine”, ang neurotransmitter na ito ay kumakabit sa mga tinatawag na “Receptors” sa ating muscle cells kaya ito ay gumagalaw at a­ting napapagalaw, ang lugar kung saan nangyayari ito ay tinatawag na “Neuro-Muscular Junction”. Ang antibodies na (Ig)G1 and IgG3 ayon sa pag-aaral ay inaantala ang prosesong ito sa pamamagitan ng pagsira at paghadlang sa receptors na ito, kapag, ang Acetylcholine ay kakabit dito upang pagalawin ang ating muscles. Ang sanhi ng nabanggit ay ang rason ng mga sintomas ng sakit na “Myasthenia Gravis”.

Ang sakit na Myasthenia Gravis ay isang acquired autoimmune disorder, ang sanhi ng sakit na ito ay hindi pa klaro base sa mga pag aaral, ngunit, ito ay ikinakabit sa function ng ating “Thymus Gland” sapagkat ang huling organ na nabanggit ay may kinalaman sa ating immune response. Anomang kasarian at edad ay maaring tamaan nito, ngunit, ito ay madalas makita sa mga babae na edad 40 pataas, at lalake edad 60 pataas. Ilan sa mga sintomas at senyales ng sakit na ito ay weakness ng muscles ng mata, pagbagsak ng eyelid (ptosis), mahirap na paglunok, impaired speech (dysarthria), pagbabago ng facial expressions, blurred vision, at pagkahina ng kamay, braso, daliri at hita. Ang mga sintomas na nabanggit ay nagiging grabe pagsapit ng gabi at nag-iimprove naman or nawawala sa umaga kung kalian nakapagpahinga na ang pasyente. Ang tao na mayroong sakit na ito ay pinapayuhan NA IWASAN NA SOBRANG MAPAGOD.

Ang sakit na ito ay nada-diagnose sa pamamagitan ng kumbinasyon ng examination, “Edrophonium Test” kung saan ang chemical na nabanggit ay nakakapag-relieve ng sintomas ng sakit na ito, at Electrodiagnostic testing. Ang Cranial CT Scan at Cranial MRI ay nakakatulong naman upang ma-rule out ang ibang sakit na maaaring mapagkamalan sa Myasthenia Gravis, tulad ng Stroke at Cancer sa utak. Ang “Pulmonary Function test” naman ay ginagawa upang malaman ang Lung Status ng pas­yente na mayroong Myastheia Gravis at upang ma-predict ang tinatawag na “Myasthenia Crisis”.

Ang mga sintomas ng sakit na ito ay maaring ma-improve at maiwasan sa pamamagitan ng mga tinatawag na “Immunosuppresive Drugs”, Thymectomy (pagtanggal surgically ng Thymus gland), at gamot na Monoclonal Antibody (Eculizumab). Ang ibang supportive treatments tulad ng Plasmapharesis, at Intravenous Immunoglobulin ay maaring ibigay sa pasyente upang makatulong.  Ang karamihan ng pasyente na mayroong Myasthenia Gravis ay nakakikitaan ng pagkawala or marked improvement ng kanilang mga sintomas at maaring mabuhay ng normal, ang remission ng pasyente ay maaring panandalian or pangmatagalan kaya sila ay mainam na minomonitor ng mga taong dalubhasa sa sakit na ito.  Kung mayroong katanungan maari pong mag-email sa [email protected] or I-like at mag-message sa Fan Page na Medicus Et Legem sa Facebook- Dr Samuel A. Zacate

Comments are closed.