MYGZ MOLINO HINDI SINISISI NG MGA KAPATID NI MAHAL

showbiztuhan

KUMALAT ang balitang galit ang pamilya ni Mahal Kay Mygz Molino. Magkasama kasi silang nakatira sa bahay ng kanilang manager na si Jetro. Galit daw ang pamilya ni Mahal Kay Mygz dahil pinabayaan diumano ni Mygz ang kapartner na si Mahal kaya ito namatay. No comment naman si Mygz sa isyu.

Pero nagpaliwanag ang mga Kapatid ni Mahal na si Lanie Tesorero at Jayson Tesorero na isang pulis. Hindi raw sila galit at sa halip ay nagpapasalamat pa sila dito dahil inalagaan niya si Mahal nang magkasakit ito.

“Hindi kami galit kay Mygz” bungad sa amin ng magkapatid. “Dapat pa nga, magpasalamat pa kami dahil imbes na kami ang mag-alaga sa kapatid namin siya ang naging katuwang ni Mahal. Hindi totoong galit ang pamilya namin Kay Mygz.”

Noong Lunes, inilibing si Mahal matapos i-cremate, kasama ang abo ng kanyang tatay na namatay noong August 5 sa COVID din. Alam naman nating kapag may kinalaman sa Covid ang ikinamatay ay agad iki-cremate. Sa ngayon, ayaw munang pag-usapan ng magkakapatid ang naiwang ari-arian ni Mahal. Pero alam daw nilang may nabili si Mahal na bahay at sasakyan.

***

ERIKA SALAS, BUSY SA SCHOOL, BUSY SA MOVIE PROJECTS

Busy ngayon ang Youngstar na si Erika Salas sa kanyang studies sa UST. Halos araw araw ay nakatutok ito sa kanyang mga modules. Pero kahit busy siya sa kanyang studies ay di pa rin nya nakakalimutan ang kanyang first love ang pag arte. May ginawa na siyang pelikula na ilalahok sa cinemalaya entitled ‘Panaginip’. And soon ila­labas na rin ang show nya entitled “The Erika show” na ipapalabas sa lahat ng media platforms. Magkakaroon din po siya nang hosting gig para sa ALL ABOUT TV online show naman.

At may isang project na niluluto pa ngayon for Erika na dapat abangan ng mga fans.

Comments are closed.