BONGGA ang press conference ng drama series na “Sahaya” last March 11 held at the Matrix Creation Events in Quezon City.
Parte ng soap na ‘to si Mylene Dizon who is the mother of Sahaya, that is being delineated by Bianca Umali.
Nakiusap si Mylene na huwag nang i-tackle pa ang issue in connection with John Estrada who is now working for the Kapuso network, but one entertainment writer was able to ask if the possibility of working with John is okay with her.
“I don’t think so,” the actress candidly answered. “Alam mo naman ako, I’m one project at a time. Hindi ko naman… Hindi ko rin alam, e.
“Yung huli kong project na The Good Son, almost one year akong nagpahinga, mga eleven months,” she further added.
Matatandaang Mylene last worked with John at the defunct ABS-CBN prime-time series The Good Son.
Anyway, feel na feel ni Mylene ang concept ng “Sahaya,” her role is refreshing different that is why she accepted it.
Pagkatapos nitong “Sahaya,” hindi pa niya alam kung may kasunod ba siyang project sa GMA-7, dahil gusto rin niyang tumutok sa kanyang mga anak.
Sa tanong na ano raw ang gagawin niya in the event na magkasalubong sila ni John Estrada sa GMA-7, her answer was cool and philosophical. “I don’t know actually!” she answered stoically.
Sa follow-up question na kung nakapagpatawad na ba siya sa nangyari sa kanila ng aktor, next topic naman daw ang kanyang emote.
SHY si Ara Mina sa sinasabi ng beteranang aktres na si Deborah Sun na she has been staying at Ara’s condo unit in Cubao, Quezon City for some three years now. “Hindi ko nga pinagsasabi iyon,” Ara said in a latest interview.
Deborah talked about it in a highly open manner at the wake of Marie Balbacui recently.
Ara went on, “Si Tita Debs, marami talaga siyang kinukuwentuhan, like si Kuya Ipe (Phillip Salvador).
“Noong nagkita kami ni Kuya Ipe, sabi niya, ‘Salamat sa pagtulong mo, ha?’ Hindi ko naman sinasabi. Siguro, ganun lang na napa-proud lang siya…”
Going back to Deborah, she admitted that she and Ara are not intimate with each other but she went out of her way to help her.
Looking back pumunta raw sa taping niya si Deborah dahil may iaalok yata.
“And then, I heard what happened to her,” looked back Ara. “Noong kinumusta ko siya, mawawalan na nga siya ng matitirhan. E, meron akong isang extra condo unit na plano kong ibenta. Pinaalis ko yung nagre-rent doon, kasi I’m planning to sell it.
“Para gawin na lang siyang cash, at mag-business. ‘Tapos, siguro, kaya ko pinaalis… siguro, it’s meant for her na doon siya tumira.”
This coming March 26 or 28, three years na palang nakatira sa kanyang condo si Deborah.
“Ano ‘yan, hindi nakakalimot ‘yan na mag-text ng mga wisdom, quotes, verses from the Bible, yun. Tapos, pag kukumustahin ko siya, kung OK pa siya… so, yun naman, nakasu-survive naman!”
Pakiusap pa rin ni Ara, sana raw ay bigyan naman si Deborah ng trabaho.
“Ang nakaka-sad lang kasi sa mga dating nagkaroon ng bisyo, parang feeling nila, hindi na puwedeng magbago ‘yung tao.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios mabalos! I always need you, Nhong!
Comments are closed.