NASA GMA7 na ngayon si Mylene Dizon dahil kasama siya sa cast ng “Sahaya,” ang bagong teleserye ng Kapuso network na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
Inaabangan ang pahayag ng aktres kung payag ba siyang makatrabaho ang dating Kapamilya actor na si John Estrada in the fu-ture na ngayon ay nasa GMA-7 na rin.
Matatandaang naging kontrobersyal ang pag-oober da bakod ni John dahil sa isyung kinasangkutan niya sa aktres. May mga lumabas na balitang naghain ng reklamo si Mylene sa umano’y pananakit at panghihipo sa kanya ng actor sa set ng kanilang serye na naging dahilan para patayin ang karakter nito sa nabanggit na soap noon.
ANGELINE QUINTO LAPITIN NG DEATH THREATS
MULI na namang nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay at sa pamilya niya ang singer-actress na si Angeline Quinto.
Pinangalanan pa nga niya ito na Kian na hindi raw niya kilala. Nabanggit din ang isang Alma Cruz na dati raw niyang kasama sa bahay.
Ayon pa sa actress, nagwo-worry raw siya hindi lang para sa sariling kaligtasan kundi pati sa Mama Bob niya na nakatanggap din ng nasabing threat.
Wala naman siyang maipaliwanag kung bakit pinagbabantaan ang kanilang buhay. Hirit pa niya, kung sakali raw may mangyari sa kanya o sa kanyang pamilya, ang mga pinangalanang tao lamang ang puwedeng managot.
Burado na sa kanyang social media account ang nasabing post ng biriterang singer pero nananatiling palaisipan ito sa mga netizens.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng death threat si Angeline.
Noong nakaraang taon, naka-receive rin siya ng death threat sa isa umanong basher pagkatapos na akusahan siyang pinagtawanan diumano ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo nang mag-break down ito sa concert nito sa Las Vegas na kanyang ipina-blotter.
Comments are closed.