SELYADO ang labi ni Mylene Dizon nu’ng tanungin siya tungkol kay John Estrada na dahilan kaya siya nagpa-plano nang mag-retire sa showbiz. Matatandaan na nagkaroon nang malaking isyu noon sina Mylene at John na magkasama sa ABS-CBN drama series na “The Good Son.”
After ng “The Good Son,” hindi raw siya masyadong nagtrabaho for ten months. Muntik-muntik na raw talaga na mag-quit na siya. Napagod na rin daw kasi siya lalo na nu’ng dire-diretso ang work niya. Kaya feeling niya she was so emotionally drained.
Bukod dito, nagulat na lang daw siya na lumalaki na ang kanyang mga anak especially ang kanyang 13-year- old son na si Thomas.
“I’m trying to remember how many times I was with him and how many times I’m not with them. So, I was really affected by that. And I think I put in 23 years in this industry, I can take a breather naman, ‘di ba?” It’s just that I need to spend time with my family muna, maybe. You know, this is not final. This is just me thinking on top of my crazy head, yeah.”
Open din si Mylene tungkol sa relasyon nila ng dating basketball player na si Jason Webb. Katunayan, naikuwento ni Mylene sa presscon ng “Belle Douleur,” first-directorial job ng producer na si Atty. Joji Alonzo at isa sa official entries sa 2019 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, na ipinagpaalam pa niya kay Jason ang intimate scenes nila ng leading man niya sa movie na si Kit Thompson.
Natanong din si Mylene kung ano sa tingin niya ang weakness and strength ni Kit bilang bago niyang leading man.
“His strength is that he is willing to learn. He is not ah, matigas ang ulo. Nagmamatigas ang ulo or nagmamarunong, tama ba? He knows that he is still learning a lot as a student of film. He knows that his journey will be far.”
Ang weakness naman daw ni Kit ay ang kanyang twang or accent.
“Yung pagka-slang lang niya. It’s not easy to erase but uh, lumalabas lang naman ‘pag pagod. Ganoon naman ‘yun, e. But other than that okey naman.”
Marami rin ang nagsasabi na malaki ang chance ni Mylene para masungkit ang Best Actress award in this year’s Cinemalaya.
“And I think meron siyang laban. May laban siya. May laban siya……sa takilya. May laban ‘to, somewhere! Somewhere out there may laban ‘to!”
Ang “Belle Douleur” ay prinodyus ng Quantum Films at iWant. Palabas na sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ang “Belle Douler” at sa iba pang sinehan tulad ng Ayala Malls at iba pang mga sinehan nationwide on August 14.
HEAVEN PERALEJO PALABAN PALA
PALABAN pala ang Kapamilya star na si Heaven Peralejo. Nakuwento niya sa “Magandang Buhay,” na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng umaga, kung paano siya nag-react nu’ng minsang may nanghipo sa kanya na isang matandang guy.
“Siniko ko sa mukha ‘yung nanghipo. Pinaglaban ko rin naman po, e. ‘Yun ang sabi ng Mom ko, na gamitin ko ‘yung self-defense na natutunan ko. Tapos kinumpronta na namin,” lahad ni Heaven sa “Magandang Buhay.”
Tinanong naman ng “Magandang Buhay” host na si Karla Estrada kay Heaven, “Palaban ka rin ba pagdating sa pag-ibig? Kumusta na kayo ni Jimuel Pacquiao?”
Diretsahang tinanong ulit ni Karla si Heaven, “So, wala na kayo ni Jimuel, ‘Nak?
“Tanungin na lang po ninyo siya. Hahaha!”
‘Yun na.
Comments are closed.