MYLENE DIZON TAGUMPAY SA ORGANIC FARMING

PARA maintain ang healthy  lifestyle  ni  Mylene Dizon ay kina-career niya  ang  hotshotspagtatanim  at  paglago  ng kanyang  vegetable  garden.

Ayon  kay  Mylene,  matagal  na  niyang  pa­ngarap na magkaroon ng sariling  vegetable garden at hindi na kailangang sobrang laki  ng pagtataninam. Gusto kasi niya na lahat ng kanyang lulutuin at kakainin ay sariwang gulay na galing sa kanyang  garden.

Ipinakita ni Mylene via  Instagram  ang kanyang vegetable garden  gamit  ang  bio-dynamic  farming  style. Ginagamit din niya  ang mga  tinatawag  na  ecobricks  na gawa  mula  sa plastic  bottles.

May  masustansiyang  panamin  ka na, makatutulong  pa ito sa environment  dahil  gawa ito sa recycled  materials  at  sa  ashfall  mula  sa Taal  Volcano.

“Let`s  grow  our  own  gulay! I`m going  to try  this  #biodynamic  farming   style  that I picked  up  from.  I also used  the  eco bricks  from Binan  made  with Taal  ashfall, shredded  plastic  and  cement  to make my  vegetable  plant  beds.

“What I`m actually doing in this video is I`m layering  karton, soil,  grass  cuttings,  kitchen  wastes such as  veg peels  and  washed egg  shells, then I will finally top with my soil that has been cooking with cow manure for added  flavor. This  lasagna will be covered with and karton so as not  to encourage  the bad  weed  to grow.”

Dahil  sa  kanyang organic farming  ay naging  matagumpay  si Mylene  sa pagpapatubo ng masarap at sariwang  carrots,  radish at fennel. At dahil sa laging fresh ang kanyang kinakain  ay fresh na fresh din  ang kanyang  ganda at kaseksihan.

DEREK RAMSAY AT ANDREA TORRES INAASAHANG HAHANTONG DIN SA KASALAN         

UMAASA  ang  mga follower at fan nina Andrea Torres at Derek Ramsay na hahantong din sa kasalan ang kanilang relasyon. Ipinost ni Andrea ang larawan ng kanyang  mommy  at ina ni Derek na magkasama at magkatabi sa upuan.

Ang larawan ay kuha nang magbakasyon  sina Andrea at Derek sa Japan kung saan isinama  rin nila ang kani-kanilang magulang.

Kung pagbabasehan  ang  naturang  larawan ay walang duda  na magkasundo  ang  mga magulang nila sa kanilang  relasyon.

Pero  hindi  naman maialis  sa isipan  ng  mga  nagmamahal  kay Andrea na baka mauwi rin daw sa hiwalayan ang pagmamahalan ng dalawa  dahil  may record  na raw diumano  si  Derek na hindi nagtatagal  sa isang relasyon.

Dalangin  na lang ng followers ni Andrea ay  panghawakan  daw  sana ni Derek ngayon ang relasyon nito  kay Andrea.

Well,  bakas naman sa mukha  ni  Andrea  ang  sobrang kasiyahan nang  mag-guest  siya sa isang TV show sa GMA 7.

ELLEN ADARNA NAGHAHANDA NA SA PAGBABALIK-SHOWBIZ

TILA naghahanda na si Ellen Adarna  na magbalik showbiz dahil bumalik na  muli  ang dating figure ng kanyang katawan. Ipinost nga ni Ellen ang ilan niyang  mga larawan na  kuha  sa  isang  rooftop  bar  na kung saan nakasuot  siya  ng isang revealing  tummy  sweat  shirt  o kung tawagin ng iba ay  mid-rib top.

Makikita  sa larawan ang  pigura ng kanyang katawan na mistulang  hindi  nagdaan  sa  panga­nganak.

Tuwang-tuwa ang followers ni Ellen, lalo na ang mga barakong fan na umaasang  magbabalik  na  siya  sa showbiz.

Sa  mga nakakasalamuha  ni Ellen  ay  iisa ang kanilang sinasabi, parang hindi raw ito nanganak at mas lalo raw gumanda at sumeksi.

2 thoughts on “MYLENE DIZON TAGUMPAY SA ORGANIC FARMING”

  1. 732113 338411Currently really do not stop eating because there is however the decision which you will transform into. Function from your home us rrs often a fad for that who wants to earn funds yet still enough time requires most substantial occasions utilizing children and kids goes for as the modern habit. attract abundance 387876

Comments are closed.