MYPHONE MAGLULUNSAD NG E-MARKETPLACE PARA SA PINOY BRANDS

MyPhone

NAKATAKDANG maglunsad ang local phone brand na MyPhone sa susunod na buwan ng all-Filipino brand online marketplace na naka-built-in sa kanilang bagong phone models.

Sinabi ng MyPhone President at Chief Executive Officer David Lim sa isang panayam sa paglulunsad ng Brand Pilipinas, isang adbokasiya para itaguyod ang Filipino brands, na ang kanilang bagong smartphones ay magdadala ng MyBarko mobile application, kung saan ang mga gumagamit ng cellphones ay puwede nang bumili ng mga produkto online.

Sinabi ni Lim, na ang kalidad ng Filipino brands ay puwedeng maghandog ng kanilang produkto at serbisyo sa MyBarko na walang MyPhone charging merchants para sa kanilang paglalagay sa platform.

Sinabi pa niya na may 50 local brands na mauunang maging available sa paglulunsad nito sa Hulyo.

“We envision our portal design for the young. It’s very millennial,” dagdag niya.

Binanggit din niya na ang MyBarko ay makatutulong din sa pagsisimula ng negosyo para maitaguyod ang kanilang brands dito sa lokal at sa pandaigdigang merkado.

Sinabi ni Lim, na ang MyPhone ay nagbebenta ng hanggang anim na milyong units kada taon sa nagdaang limang taon. Dinadala ngayon ng kompanya ang Filipino brand phone sa Hong Kong, Macau, at Singapore kung saan maraming mga Pinoy sa pamamagitan ng kanilang bagong start-up Brown and Proud.

Samantala, sinabi ng executive ng MyPhone na sila ay magpapalawak pa ng kanilang produkto sa pamamagitan ng paghahandog ng smartphones ng may mataas na specs at sa mataas na presyo, maliban sa entry-level units.     PNA

Comments are closed.