Ipinagmamalaking ng nanalong Binibining Pilipinas International 2024 na si Myrna Esguerra na isa siyang simpleng babaing ipinanganak at lumaki sa isang maliit na bayan sa Abra.
Pero simpleng probinsyanang inilampaso ang 39 na magaganda, matatalino at puno ng talentong mga nakatunggali niya sa nasabing pageant.
Ito ang diamond year ng Binibining Pilipinas — ika-60 taong snibersaryo, kaya mahigit na 100 dating beauty queens ang mga naging panauhing pandangal sa nasabing okasyong. Incidentally, Myrna rin ang pangalan ng kauna-unahang kinoronahang Binibining Pilipinas — si Myrna Panlilio. May konek ba liban sa pangalan at titulo? Parang wala. Socialite si Panlilio at county girl si Esguerra. Pero Malay nyo, sa Ganda ni Esguerra, baka maiuwi niya ang korona!
Libra girl na 23 years old na sa darating na October 2, may taas si Myrna na 173 centimeters o 5’8″ — at ang waistline, 22 inches! Kumakain pa ba siya?
By the way, sa Angeles, Pampanga siya nag-aral. But mind you, 16 silang magkakapatid. Sabagay, kung magaganda at matatalino naman, okay lang sigurong magpadami. Pero sipag manganak ng nanay nya, huh!
Dahil sobra nga silang marami, tumira si Myrna sa Angeles City para makapagpatuloy sa pag-aaral. Tinapos niya ang bachelor’s degree in tourism and management with specialization on MICE (meetings, incentives, conferences, and exhibitions) events, business administration and management sa City Colleges of Angeles. Doon nagsimulang mapansin ang kanyang ganda. Nanalo siyang Miss City College of Angeles 2022. Nagsimula na rin siyang maging commercial model
Sa Philippine Airlines, Clark Marriott Hotel, at Omni Aviation sa Clark Philippines.
Naging ramp model naman siya noong 2022 para sa mga designs ni Rich Sabinian para sa Bridal Expo Filipino 2022.
Nang sumunod na taon, August 2023, nag-part time siya sa Top Tier Events and Management.
Doon siya Nakita at kunuhang model para sa Bench Holiday Season Fashion Show 2023 para naman kay designer Chris Nick. Ginanap ito sa The Playground, Bench Tower sa Bonifacio Glocal City.
Bihasa rin si Myrna sa hosting. Ani Myrna, self-sufficient woman siya. Siya ang nagpaaral sa kanyang sarili, at 17 pa lamang siya ay nagtatrabaho na.
Parang mas gusto ko ang probinsyanang Myrna kesa socialite na Myrna. RLVN