NANINIWALA si Myrtle Sarrosa, star ng “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” na hindi pang-habangbuhay ang karera sa showbiz at importanteng mapaghandaaan ito habang kumikita siya.
Kaya naman, naging wais siya sa kanyang pananalapi at perang naiipon.
Katunayan, nakapagpundar na siya ng ilang negosyo at nakapag-invest na maging sa stock market.
“May investments ako sa Potato Corner and other food carts. Meron din akong investments sa stocks. Gumawa rin ako ng sarili kong guild sa Ragnarok na nagko-compete sa tournaments internationally. ‘Di ko nga, ini-expect, you can earn so much from gaming. Nun nag-PUBG ako, Ragnarok and ROS, it really opened doors for me. Iyong hilig ko pala sa ganitong bagay, will benefit me eventually,” pagbabahagi niya,
Happy naman si Myrtle dahil isa siya sa mga bida ng “Ang Henerasyong Sumuko sa Love”.
“Yung character ko hindi siya naniniwala sa love. So parang medyo cold na siya. She has a wall when it comes to love,” aniya. “Dito, my love interest is Albie (Casiño), we try to figure out if magwo-work iyong relationship namin or hindi. Kasi ako doon ayoko ng labels, pero iyong character niya gusto ng commitment, so paano nga ba nagwo-work around doon sa ganoong klase ng issue? Especially for millenials,” lahad pa niya.
Sey naman ni Myrtle, happy naman ang lovelife niya.
Pero kung usaping pag-uusapan, minsan nang sumuko ang puso niya sa ‘love’.
“Before sumuko na ako sa love, minsan kasi nasasaktan talaga tayo. And iyon din ‘yung essence din ng film, parang ang daming heartbreaks, ‘di lang sa love, pati sa career, sa family, sa friends, relationships mo … pero iyong puso ko ngayon ay masaya,” pahayag niya.
More than a year na raw silang dating ng isang non-showbiz guy na pursigido sa kanya.
Hindi lang daw niya masyadong ibinabahagi ito dahil gusto niyang isapribado ang kanyang lovelife kaya wala siyang naipo-post sa social media tungkol dito.
ANGEL, NORA, YASMIEN PUKPUKAN ANG LABAN SA STAR AWARDS FOR TV
PUKPUKAN ang laban nina Nora Aunor (Onanay/GMA 7), Yasmien Kurdi (Hiram na Anak/GMA 7), Angel Locsin (The General’s Daughter/ABS-CBN 2),Beauty Gonzales (Kadenang Ginto/ABS-CBN 2),Bela Padilla (Mea Culpa: Sino Ang May Sala?/ ABS-CBN 2),Dimples Romana (Kadenang Ginto/ ABS-CBN 2),Jodi Sta. Maria (Mea Culpa: Sino Ang Maysala?/ABS-CBN 2) at Max Collins (Bihag/GMA 7) sa kategoryang best drama actress na gaganapin sa Henry Lee Irwin Theater, sa Ateneo de Manila University sa Quezon City sa Oktubre 13.
Nominado naman sa best drama actor sina Alden Richards (Victor Magtanggol/GMA 7),Coco Martin (FPJ’s Ang Probinsyano/ ABS-CBN 2),Dennis Trillo (Cain At Abel/ GMA 7),Dingdong Dantes (Cain At Abel/ GMA 7),Jericho Rosales (Halik/ ABS-CBN 2),JM De Guzman (Araw Gabi/ABS-CBN 2),Joshua Garcia (Ngayon At Kailanman/ ABS-CBN 2) at Ronaldo Valdez (Los Bastardos/ ABS-CBN 2).
Comments are closed.