MYSTICA GUSTONG IPA-DRUG TEST NI RAFFY TULFO

tulfo and mystica

INIREKLAMO ni Mystica ang mga blogger ng cyber bullying kay Raffy Tulfo sa radio program nitong hotshotsWanted Sa Radyo, pero bago tulungan ni Raffy ang singer/actress ay magpa-drug test daw muna ito.

Ayon kay Mystica, bina-bash daw siya ng dalawa dahil sa mga panawagan nito sa Facebook kina Coco Martin, Michael V, at Dingdong Dantes na mabigyan siya ng trabaho sa TV.

Pero ang hindi raw matanggap ni Mystica ay ang magkunwari raw ang blogger na isang booker para lang daw makuha ang kanyang contact number at hiyain sa publiko.

Kung aabot daw sa demandahan ay nakahanda raw harapin ng mga blogger  si Mystica.

Dahil dito ay biglang tinanong ni Raffy si Mystica kung gumagamit ng pinagbabawal na gamot? Ang kaagad na sagot ng singer/actress ay hndi raw siya gumagamit ng illegal drugs at saka wala naman daw ang pangalan niya sa listahan ng mga pinaghihinalaang celebrities na nagda-drugs.

Pakiusap ni Raffy kay Mystica na sumailalim muna sa drug test at kung negative ang result ay maaring matulungan siyang magkaroon ng trabaho. Pero kapag positive ang lumabas ay ibang usapan na raw ‘yon.

Payag naman si Mystica na magpa-drug test dahil sigurado raw siya na drug free ang kanyang katawan.

Kailangan talaga ni Mystica na magkatrabaho dahil may balitang kumuha raw ito ng brand new car na hulugan matapos na mapasama sa serye ni Coco Martin na Ang Probinsiyano.

Saan nga naman siya kukuha ng pambayad buwan-buwan sa hulugan na car kung wala siyang trabaho?

BONG REVILLA

MATAPOS lumaya ni former Senator Bong Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame last Friday bong revillaay dumaan muna siya at kanyang pamilya sa Imus Catheral.

Pagkatapos ay dumiretso na sila sa Revilla mansion sa Bacoor, Cavite kung saan sinalubong siya ng mga supporter  sa Cavi­te. Dumaan muna siya sa kuwarto ng kanyang ama na si dating Sen. Ramon Revilla Sr. at ilang sandali rin raw ito sa loob kasama ang pamilya bago lumabas para harapin ang kanyang supporters na naghihintay sa kanyang pagbabalik.

Sa kanyang madamdaming speech ay nagpasalamat si Bong sa ating Panginoon at sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paglaya.

“Itong mabigat na pagsubok na dumating sa aking buhay ay hindi ko na makakalimutan. Apat na taon at halos anim na buwan at isang taon na dinurog ang aking pagkatao.

“Kung tutuusin, halos anim na taon ang nawala sa aking buhay. Anim na taon dinurog ang ating pangalan. Pero sa araw na ito nagkaroon ng linaw na tayo`y  walang kasalanan,” bahagi ng speech ni Bong habang nagbubunyi ang mga tao.

“Kaya mga kababayan ko, taas-noo tayong mga Caviteño kahit kanino dahil walang kasalanan ang kababayan n`yong Caviteño!” say pa ni Bong.

Akala nga raw niya ay katapusan na ng mundo niya nang mangyari sa kanya ang mabigat na pagsubok na ito.

“Pero ‘yun pala, ang Panginoon ay nandiyan pa rin kasi hindi Niya ako pinababayaan at hindi Niya ako pababayaan,” aniya.

Kaya ang payo ni Bong sa lahat na anuman daw ang pagsubok na dumating sa ating buhay ay huwag tayong mawawalan ng pag-asa.

Sa panayam naman kay Bacoor Mayor Lani Mercado sa news reporter ay nagpahayag ito ng labis na pasasalamat sa paglaya ng kanyang husband at pagpapawalang-sala sa kasong plunder.

Ikinuwento ni Lani na nakahawak na rin daw ng cellphone si Bong at para nga raw nagka-phobia na ito.

“Nahawakan na niya finally ang cellphone. Para siyang mayroon pang phobia. ‘Pag may hawak siyang phone, natatakot siya, baka may magbawal sa kanya.

“So, may ganu`n pang pagtingin. Nasa period of adjustment actually siya,” kuwento ni Lani sa mga news reporter.

Ayon pa kay Mayor Lani, best Christmas ito na magkakasama silang lahat na ipagdiriwang ang Kapaskuhan at Bagong Taon. Ang priority raw muna ngayon ni Bong ay ang pamilya at ang kanyang kalusugan.

Nang lumabas kasi ng kulungan si Bong ay namamaga ang kanang kamay niya kaya gagamutin muna ito.

Marami na rin daw nag-iimbita ngayon kay Bong for a thanksgiving celebration sa iba`t ibang lugar.

Comments are closed.