IDINEKLARA sa ilalim ng state of calamity ang buong lalawigan ng North Cotabato sanhi ng nararanasang tagtuyot dahil sa El Niño phenomenon.
Ginawa ang nasabing deklarasyon ng Sangguniang Panlalawigan alinsunod na rin sa naging rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Apektado ng labis na tagtuyot ay ang mga bayan ng Libungan, Carmen, Aleosan, Alamada, Matalam, Pigcawayan, M’lang, Pikit, Kabacan, Antipas at Tulunan.
Gayundin, sa pagtaya ng PDRRMO ay nasa P670 milyon na ang halaga ng pinsala sa pananim sa Kidapawan City at sa 17 munisipalidad ng probinsya.
Kaugnay nito, naglaan na ang probinsiya ng pondo para sa cloud seeding operations para labanan ang epekto ng El Niño.
Comments are closed.