(Na-consolidate na!) 97% NG JEEP SA METRO

TINIYAK  ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na magkakaroon ng sapat na pampublikong sasakyan sa Metro Manila, kung saan 97.18 porsiyento ng mga rehistradong unit ng public utility jeeps ang aktwal na na-consolidate sa Metro Manila noong 2023.

Sa press briefing sa Malacañang tungkol sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), tinanong ang mga opisyal ng transportasyon kung magkakaroon ng sapat na mga sasakyan na magsisilbi sa publiko pagkatapos ng mahigit 70 porsiyento ng mga prangkisa ng transportasyon na pinagsama-sama sa buong bansa.

“I’d like to go beyond po doon 70-30 percent, because we have to consider if iyong 70 percent would already be sufficient—I’m speaking for NCR (National Capital Region) po,” pahayag ni LTFRB regional director Zona Russet Tamayo.

“When we map out the routes in NCR majority po ng ating main thoroughfares ay may nag-consolidate or may mag-o-operate na transport, public transport po it’s in other modes perhaps buses, UVs and even jeepneys,” aniya.

Batay sa makukuhang datos, 97.18 porsiyento ng mga rehistradong unit ng PUJs para sa 2023 ay aktwal na na-consolidated sa Metro Manila, dagdag ni Tamayo.

Batay sa route mapping ng LTFRB, sinabi ni Tamayo na malaki ang paniniwala ng ahensya na walang magiging problema sa public transport. Idinagdag niya na ang LTFRB ay may contingency plan kung sakaling may mga hamon na maaaring lumitaw.

“Right now, as mentioned po ng ating chair sa MMDA, we have coordinated po with MMDA as well as with different LGUs in case that there would be need. But right now po we’ve map out for NCR and we already determine that there will be sufficient supply po,” yon kay Tamayo.

Sinabi rin ni Tamayo na ang mga ruta ng NCR na hindi pinagsama-sama ay ang mga kinokonsiderang short distance route. Ngunit nabanggit niya na mayroong mas mahabang ruta na maaaring sumaklaw sa mga maikling distansya.

Sa karagdagang paliwanag, sinabi ni Tamayo na ang gobyerno ay gumawa ng Disyembre 31 na deadline para sa konsolidasyon at ang LTFRB Board ay naglabas na ng angkop na circular para sa mga non-consolidating franchise.

Sinabi ng opisyal ng LTFRB na susuriin nila ang unang bahagi ng Enero kung ang mga ruta ay nakakuha ng 60 porsiyentong consolidation, wala pang 60 porsiyento, o wala man lang consolidation.

“Ginagawa natin ito para sa Enero. And then, once po na nakita natin at mayroon na pong ilalabas na datos po ang LTFRB for that on the routes pertaining to the percentage of consolidation, then we’d move to the next stage which is iyon hong hindi nag-consolidate will no longer payagang magpatakbo ng mga ruta, maliban po kung sa nakikita natin, habang sinusuri po natin, baka kailanganin,” paliwanag pa ng opisyal.