(Na-contempt dahil sa pagsisinungaling) 2 PULIS SANGKOT SA DROGA KULONG SA SENADO

PINA-CONTEMPT at ipinakulong ng Senado ang dalawang pulis dahil sa umanoy pagsisinungaling sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Humarap pagdinig sina Police Master Sergeants Jerwin Rebosora at Lorenzo Catarata kaugnay sa pagkakaaresto kay MSgt. Rodolfo Mayo Jr. , isang anti-drug operative na nahulihan ng 996 kilo o halos isang tonelada ng shabu sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022 .

Sa naturang pagdinig sinabi ni Major General Eleseo Cruz,PNP director for Investigation and Detection Management na may nakuha silang CCTV footage na nagbibigay ng circumstancial evidence na may tatlong pulis na maaaring bumawas ng droga na nakuha kay Mayo.

Noong una ay naghinala umano sila na nabawasan ng 30 kilos ang shabu subalit ang naibalik sa kanila ay 40 kilos at nakuha ito sa isang sasakyan na inabandona sa harap ng opisina ng gusali ng public safety mutual benefit fund incorporated na harap lang ng Camp Crame sa Santolan road ,Quezon City.

Nakita rin sa CCTV sa sasakyan na narekober ng shabu ang tatlong pulis na humuli kay Mayo na sina Jimenez, Rebosora at Catarata.

Hindi naman dumating sa hearing si Jimenez dahil nagbitiw na habang kinompronta naman nina Senators Ronald “Bato” dela Rosa at Raffy Tulfo sina Catarata at Reborosa na kapwa itinanggi na sila ang nasa CCTV dahil nasa kainan lang sila malapit sa sasakyan .

Subalit, nanindigan si Gen. Cruz na sila ang nasa CCTV footage kaya para kay dela Rosa at Tulfo dapat silang ipa contempt at ipakulong sa Senado. VICKY CERVALES