(Na-lockdown) JASMINE CURTIS SMITH NAG-CELEBRATE NG B-DAY MAG-ISA

SARILING sikap talaga ang byuti ni Jasmine Curtis Smith para kahit paano ay maiselebreyt niya ang kanyang ika-26 na kaarawan wallfacekamakailan. Dahil under enhanced quarantine ang bansa, cook and bake ng sariling birthday cake ang ginawa ni Jasmine. At ang mga sangkap na ginamit sa kanyang niluto ay kung ano na lang ang available na ingredients na nasa refrigerator.

Kaya kahit papaano ay may kaunting handa sa hapag kainan si Jasmine.

Pagbati naman sa pamamagitan ng video call ang greetings sa kanya ng mga mahal sa buhay. Pagbati mula sa boypren na si Jeff Ortega na naka-base sa La Union at video call greetings din mula naman sa pamilya niya sa Melbourne, Australia. Buong pagmamahal na binati si Jasmine ng kanyang ate na si Anne Curtis at mga magulang.

Masayang-masaya man kahit sa virtual greetings lang, ay nakaramdam din ng kaunting kalungkutan si Jasmine nang makita ang kanyang pamangkin, si Baby Dahlia Amelie.

Plano na kasi ni Jasmine umuwi ng Australia at may booking na siya. Pero inabutan ng community quarantine ang flight ni Jasmine kung kaya no choice ang young actress kundi ikansela ang flight at mag-stay na lang sa bansa. Nais kasi ni Jasmine na sa panganganak sana ng kanyang Ate Anne ay nasa tabi siya nito.

 

KYLINE ALCANTARA IDINAAN SA SAYAW ANG PAGKABAGOT SA ECQ

NANG ilagay under community quarantine ang Metro Manila at nahinto ang galawan sa showbiz ay fly away ang byuti ni Kyline Alcantara sa probinsiya, sa bayan ng kanyang grannys sa Bicol. At di naman akalain ni Kyline na mas titindi pa pala ang problema sa COVID 19 virus at mae-extend pa ang araw ng quarantine.

Say nga ng young actress, naiinip na raw siya. Nami-miss na niya ang taping at ang mga guestings sa mga shows.

At para kahit paano maibsan kahit ang pagkainip ni Kyline ay naisipan niyang mag-Tiktok. Hataw siya gamit ang latest single na ini-release ng GMA Music ilang araw bago mag-declare ng community quarantine ang pamahalaan laban sa nakamamatay na coronavirus.

Hindi naman akalain ni Kyline na sa loob lang halos ng dalawang araw ay nag-viral sa Tiktok at Instagram ang dance challenge na ginawa niya na hango sa bago niyang single na “Isa, Dalawa, Tatlo”. Kinasahan agad ito ng ilang Kapuso stars tulad nina Prima Donnas stars na sina Althea Ablan at Sofia Pablo. Kumasa rin Rodjun Cruz, Cassy Legaspi, “That’s My Bae” Joel Palencia, Taki, Rere Madrid at Kate Valdez na kasama pa ang kapatid na si Karen.

Kaya ganun na lang ang labis na pasasalamat ni Kyline at maraming nagkagusto sa kanyang crazy dance challenge at kahit paano ay nakapagpaalis ng boredom sa tulad niya na feel na feel nang gumimik.

Comments are closed.