(Na-monitor sa Thailand at Myanmar) HAPPY WATER ILLEGAL DRUG KINUMPIRMA NG PDEG

NGAYONG balik-operational na ang Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG), kinumpirma nito ang bagong droga na posibleng mauso sa mahilig sa kasiyahan o party.

Ayon kay bagong PDEG Director Brig. Gen. Faro Antonio Olaguera, tinawag na Happy Water ang bagong droga.

Aniya, ito ay kumbinasyon ng iba’t ibang klase ng synthetic substances gaya shabu, ecstasy, diazepam, ketamine and tramadol.

Paliwanag naman ni Olaguera na ang pagkakatuklas ay batay sa findings sa United Nations Office on Drugs and Crime (UN ODC) noong May 2022.

Ang Happy Water ay unang namonitor sa Thailand at Myanmar na nagkakahalaga ng $43.

“Sa report nila (UN ODC) that was published only last year May 30, 2022, itong droga na ito accordingly ay nakita or namonitor right now doon sa bansang Thailand at Myanmar. Ang isang pakete nito will cost around $43,” ani Olaguera.

Puwedeng powder, puwedeng in liquid form kaya inilalagay ito na cocktail o beverage.

“Puwede ring ilagay o ihalo sa isang liquid bottle o mineral water, juice or even food dahil ito ay odorless,” dagdag pa ni Olaguera.

Ginawa ng PDEG ang pagbubulgar upang itaas ang kaalaman ng publiko upang maiwasan ang nasabing droga. EUNICE CELARIO