NAAAGNAS NA BANGKAY NATAGPUAN SA LOOB KOTSE

CAVITE – DAHIL sa umaalingasaw at mabahong amoy, natuklasan ng ilang residente ang malapit ng maagnas na bangkay ng isang lalaki na nasa loob ng nakaparadang kotse sa harap ng isang eksklusibong paaralan sa Bahayang Pag-asa, Barangay Molino 5, Bacoor City.

Sa pahayag ng Bacoor City Police station, ang bangkay ay nakilalang si Dennis Lamis, 27-anyos, binata at nakatira sa Harrison Mansion, FB Harrison St. Barangay 32, Pasay City.

Ayon sa mga residente, nakita ang nakaparadang kotse noong Martes ng umaga na nasa tapat ng Harell Homes Integrated School, Poblacion, Bacoor.

Napuna na lang umano ng mga dumaraan ang kotse dahil sa masangsang na amoy nitong Biyernes ng umaga.

Doon na hiningi ng mga residente ang tulong ng barangay kung saan tumambad ang naaagnas ng bangkay.

Base sa isinasagawang imbestigasyon ng Bacoor City Police, isa sa tinitingnan nilang anggulo ay maaaring biktima ito ng kidnapping.

Nangangalap pa ng mga kopya ng CCTV footages sa lugar ang mga pulis para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga nag-drive sa nasabing kotse. ARMAN CAMBE