QUEZON-NAAAGNAS na nang matagpuan ang katawan ng isang babae sa kuwarto ng Summer Capital Inn nakabase sa Racelis Ave. Brgy 2 bayan ng Lucban nitong Linggo.
Base sa report ng Lucban PNP na pinamumunuan ni Maj. Joseph Java, kinilala ang bangkay na si Maria Joy Rachelle Avellano nasa hustong edad, online seller at residente ng Brgy 2, bayan ng Lucban.
Nagreport umano sa pulisya ang caretaker ng Summer Capital Inn na si Samsodin Pagal, 31-anyos matapos mapansin na dalawang araw at kalahati nang hindi lumalabas ang biktima sa kuwartong nirentahan nito.
Nang rumesponde ang awtoridad, nakadouble-lock ang kuwarto at nang puwersahang buksan ng mga pulis ang pintuan ay doon na tumambad ang decomposition at nangangamoy ng katawan ng babae.
Sa inisyal na imbestigasyon, nirentahan ng biktima ang kuwarto noong Abril 14 na ayon naman sa mga kaanak nito ay may sakit itong epilepsy.
Sa isinagawang eksaminasyon ng SOCO sa bangkay ay walang makitang foul play sa nangyari. BONG RIVERA