(Naaktuhang tumataya sa tupada) 4 BRGY. CHAIRMAN, 41 IBA PA TIKLO SA ILLEGAL GAMBLING

sabong

ABRA – APAT na barangay chairman, isang barangay kagawad at 40 iba pa ang nasakote ng awtoritad makaraang maaktuhang tumataya sa illegal gambling sa loob ng sabungan sa Barangay Ubbog-Lipcan sa bayan ng Bangued, Abra noong Martes ng hapon.

Isinailalim sa tactical interrogation ng pulisya ang mga suspek na sina Chairman Amado Brio­nes Acosta, 58, ng Barangay Zone 2; Chairman Carmelo Briones Acosta, 63, ng Barangay Zone 1, kapwa kapatid ni Bangued Vice Mayor Mila Acosta-Valera; Chairman Alberto Barras Bigornia, 52, Barangay Zone 7; Chairman Rodel Utlang Gavanes, 44, ng Barangay Cabcaburao, San Juan, Abra; at si Barangay Kagawad Mark Viernes Bandayrel, 27.

Nasamsam ng mga tauhan ni Cordillera police intelligence chief P/Supt. Elmer Ragay ang P14,650 cash, dice, lamesa, chips, clay pot cover at mga gambling paraphernalia.

Ayon kay P/Chief Inspector Grace Marron, tagapagsalita ng Abra PNP, isinasagawa ang illegal gambling tuwing Martes at Huwebes sa loob ng sabungan na pag-aari ni dating Bangued municipal accountant Henry Bodano.

Nabatid na si Bodano na sinasabing sinibak ni Ombudsman Samuel Martinez noong nakalipas na buwan kasama sina Bangued Mayor Dominic Valera at Vice Mayor Acosta-Valera ay tinanggal sa tungkulin dahil sa kasong grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service kaugnay sa pag-apruba ng mga opisyal sa LGU fuel supply at printing contracts na nagkakaha­laga ng P1.9 milyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 449 (Cockfighting Law of 1974) ang mga nahuling suspek,   habang isinama na rin si Bodano sa kasong paglabag sa PD 449 sa ilalim ng Sec. 8 kung saan ang may-ari at manager ng sabungan ay lumabag din sa PD. MHAR BASCO

Comments are closed.