NABABAKUNAHANG LOLO’T LOLA, TAGAPAG-ALAGA DUMAMI – PARTYLIST SOLON

NANINIWALA  si Senior Citizens Partylist Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes na lumobo ang bilang ng mga nababakunahan sa hanay ng nakakatandang populasyon ng bansa, gayundin sa kanilang mga tapag-alaga.

Kasabay ng paggunita ng Grandparents’ Day ngayon araw, hiniling na rin ni Ordanes na mabakunahan na rin ang mga kasama sa bahay ng senior citizens.

Ngunit aniya maaring may isyu naman sa suplay ng COVID 19 vaccines sa kasalukuyan.

“Kaya ang apila ko sa IATF at NTF COVID 19 na padamihin pa ang suplay ng bakuna at mapadali pa ng husto sana ang pagpababakuna,” ayon sa namumuno sa House Special Committee on Senior Citizens.

Ibinahagi ng mambabatas na may 7.4 milyong lolo at lola sa bansa ang nabakunahan na, higit apat na milyon sa kanila ang fully-vaccinated.

“Kung masusunod ang schedule, sa loob ng apat na linggo ay higit pitong milyong nakakatanda na sa bansa ang fully vaccinated at may humigit-kumulang tatlong milyon na lang na senior citizens ang kailangan mabakunahan,” sabi pa ni Ordanes.

“Binabati ko na rin ang ating mga kapwa lolo’t lola sa natatanging araw natin ngayon,” dagdag ni Ordanes.

Diin nito ang kailangan na lang ay gawin libre na ang COVID 19 testing kasabay ng libreng bakuna.

Katuwiran niya, mas malalaman ang tunay na numero ng kaso ng COVID 19 sa bansa kung libre ang testing dahil ang paggasta para sa anti-gen o swab test ay isa mga pangunahing iniintindi ng mamamayan.

“Kung alam natin sino ang may taglay ng sakit, mas maraming buhay ang masasagip at maiiwasan ang paghihirap dahil agad mabibigyan ng lunas at tamang pag-aalaga ang COVID 19 positive,” sabi pa ni Ordanes.

82 thoughts on “NABABAKUNAHANG LOLO’T LOLA, TAGAPAG-ALAGA DUMAMI – PARTYLIST SOLON”

  1. 677807 95403Very well written story. It will be helpful to everyone who utilizes it, as nicely as myself. Keep up the excellent function – i will certainly read much more posts. 136657

  2. 525912 206937Merely wanna input on couple of general issues, The internet site design is perfect, the subject material is rattling superb : D. 818867

Comments are closed.