DAHIL sa pandemya, ang nakaraang taon at taong ito ay masasabi natin na panahon ng kamatayan o “season of death”.
Marami tayong kaibigan at kamag-anak na sumakabilang-buhay na dahil sa COVID-19 at iyong iba naman dahil sa karamdaman pero sa panahong ito pumanaw. Ako ay nalulungkot kapag nagbukas ako ng Facebook ay puro pakikiramay ang ating ginagawa dahil sa araw-araw ay palaging may nalalagas.
Karamihan naman talaga ay dahil sa pandemya o sa COVID-19. Sabi nga ng Department of Health, sumunod tayo sa protocol at magsuot ng face mask, face shield at mag-obserba ng social distancing, at ang pagbabakuna. Ang tanong ay kung maaaring pilitin ang isang tao kung ayaw magpabakuna nito?
Ayon sa batas ay hindi maaaring pilitin ang isang tao na magpabakuna kung ayaw nito dahil karapatan ng isang tao na pumili kung ano ang ilalagay sa kanyang katawan.
Maraming nagpapakalat ng balita na masama ang bakuna dahil nakamamatay ito. Mayroon namang nagsasabi na dapat ang bakuna na mabisa ay galing sa Estados Unidos at mayroon namang nagsasabi na mas mabisa ay galing sa China. Hindi naman ako eksperto sa bagay na ito pero sa aking pagbabasa at pakikinig sa mga eksperto ay dapat talagang magpabakuna dahil ang COVID-19 ay nakamamatay.
Napakaraming buhay na ang kinuha ng COVID at kahit na hindi sa COVID namatay ay sa panahong ito sila namaalam sa mundong ibabaw.
Ang sabi nga ng DOH at ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay ang magaling na bakuna ay kung anong bakuna ang naisaksak sa inyo. Ito ay ating gagawin dahil gusto nating ma protektahan ang ating sarili at ang ating mga mahal sa buhay. Sayang po ang ginagawa ng ating pamahalaan na pagsisikap na tayo ay mabigyan ng libreng bakuna kung hindi po natin ito gagamitin. Kung halos lahat tayo ay nabakunahan na, mas madadali tayong makababalik sa ating mga trabaho at mabubuksan na ang maraming negosyo.
Kapag ako ay umiikot at nakikita ko ang mga nagsarang restoran, parlor, gym, SPA, carinderia, bakeshop at ‘di mabilang na negosyo, ako ay lungkot na lungkot dahil sa mga namuhunan na nalugi dahil sa pandemya. Lalong-lalo na sa mga ‘di mabilang na kawani na nawalan ng hanapbuhay.
Kung hindi tayo magtutulungan upang matapos na ang pagkalat ng pandemya ay hindi tayo makababalik sa normal na ating pamumuhay. Magpabakuna na kayo upang ating masugpo ang pagkalat ng COVID-19 at habang wala pa tayong bakuna, tayo naman ay palaging magsuot ng face mask, face shield at iwasan ang pagkumpol-kumpol dahil para sa atin ding kaligtasan ito.
824756 896922Spot on with this write-up, I truly suppose this internet site needs significantly a lot more consideration. probably be once a lot more to learn way far more, thanks for that information. 175693