NANANATILI na ang Region 4A o Calabarzon(Cavite,Laguna,Batangas,Rizal at Quezon)ang may pinakamaraming lugar na nagpabakunahang indibidwal na ikalawang araw ng 3-day National Vaccination Day sa bansa.
Umabot sa 360,444 katao ang nabigyan ng bakuna sa Rehiyon IV-A nitong araw ng Martes, Nobyembre 30p, sumunod ang Central Visayas (Region VII) na may 197,442, Western Visayas (Region VI) 174,782 at Bicol Region (Region V) na may 158,579.
Nasa 384,452 ang nabakunahan sa unang araw habang sa ikalawang araw ay umabot sa 360,444 katao,ang nabigyan ng bakuna na may kabuuuang 744,896 o 63.9% sa inaasam na 1 milyon.
Pinakamarami ang nabakunahan sa una at ikalawang araw sa lalawigan ng Laguna kung saan umabot sa 175,784 doses sumunod ang Cavite na may 173,683 doses, Batangas — 168,389, Rizal – 116,578, Quezon – 95,079 at Lucena City na may 15,383 doses.
Binabaan naman na ng National Task Force Against Covid-19 (NTF) at National Vaccination Operations Center (NVOC) ang target na 15 milyong doses sa 9 na Milyon sa isinagawang 3-day “Bayanihan Bakunahan” dahil sa kakulanagn n ng hiringgilya sa para sa bakunang Pfizer-BioNTech dahil sa pagkaantala ng dating ng kargamento ng Unicef (United Nations Children’s Fund).
Target pa rin ng NTF at NVOC na makapagbigay ng bakuna sa 3 milyong katao sa isinagawang 3-day National Vaccination Day.
Sa CALABARZON ay nais makapagturok ng isang milyonn doses ng bakuna
Ayon kay DOH 4-A Regional Director Ariel I. Valancia para sa mga magpapa-booster shots na kabilang sa A3 groups “We have already accommodated senior citizens and immunocompromised individual prioritized their jabs especially when they are already at the vaccination sites.”
“Lahat ng gustong magpabakuna at eligible ay babakunahan at walang maiiwan. We appreciate the commitment of our partners in the government and private sector, who are working hard to achieve our goal for the 3-days activity,”dagdag pa niya. CYRILL QUILO