NABAKUNAHAN SA HOME-SERVICE MABIBIGYAN NA NG 2nd DOSE

TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno na ang lahat ng mga nabigyan ng first dose ng bakuna sa pamamagitan ng home-service ay makakatanggap ng kanilang 2nd dose ng bakuna nang naaayon sa schedule.

Sinabi ni Moreno na laging tsini-check ng Manila Health Department (MHD) ang vaccination schedules upang makatitiyak na walang sinumang malalagpasan.

Aniya,hindi na kailangan pa ng mga residente na mag-request sa kanilang barangay para sa kanilang second dose tulad ng kanilang ginawa noong first dose.

“‘Yung mga na-home service, pupunta muli ang doktor sa inyong bahay sapagkat meron silang datos.

Alam ng MHD kelan kayo due so ‘wag kayo mag-alala,” pagtitiyak ng alkalde.

Kaugnay nito, may kabuuang 15,133 vaccines ang naiturok hanggang ala- 6:30 ng gabi noong Mayo 14 sa medical frontliners, senior citizens at persons with comorbidities. Ang mga brand ng bakuna na naipamahagi ay Astra Zeneca, Pfizer at Sinovac.

Noong May 13, naitala ang kabuuang bilang na 14,477 na mga bakunang naipamahagi sa mass inoculation at nalagpasan nito ang dating record na 13, 205 na naitala noong May 1.

Ang 18 designated vaccination sites ay nag-operate sa loob ng 14 na oras mula 6 a.m. hanggang 8 p.m. noong May 13 at May 14, upang makapagbakuna ng mas maraming indibidwal. VERLIN RUIZ

Comments are closed.