NABAKUNAHAN SA MAYNILA LAGPAS 100%

NALAGPASAN na ng Maynila ang 100 porsiyentong target na mabukanahan kontra COVID-19 sa mga kuwalipikadong residente ng lungsod nang sumampa na sa 132 % ang nabukanahan ng first dose at 122% naman ang 2nd dose.

Paliwanag ng pamahalaang lokal ng Maynila na kaya lumagpas na sa 100 % ang mga nabakunahan ay dahil kasama na rito ang mga nabakunahan na non-Manilans na dumayo sa lungsod para mabakunahan.

Base sa records of ng Commission on Elections (COMELEC), ang total ng eligible population na edad 18 pataas ay 1,065,149 habang sa Department of Health (DOH) ay 1,351,487.

Base sa pinakahuling ulat hanggang Nobyembre 15, may total na 2,713,815 vaccines ang na-administered sa Manila na sa kabuuan ay 1,459,426 indibidwal ang naturukan ng first dose habang 1,293, 201 ang fully vaccinated.

Samantala, sa kaso ng mga minors, may kabuuang 111,147 ang pre-registered sa mass vaccination program na kung saan 56,830 total doses ang na-administered sa minors na nabibilang sa general population na edad 12 hanggang 17. VERLIN RUIZ