CAMP CRAME – MATAGUMPAY ang mahigit 190,000 strong policemen sa buong bansa sa pagbibigay ng seguridad sa mahigit 61 milyong botante at sa mga balota noong May midterm elections.
Ito ang inanunsiyo ni PNP chief, General Oscar Albayalde sa press conference sa National Election Monitoring Action Center.
Ibinida rin ng PNP chief, na bumaba ng 60 porsyento ang election related incidents kung saan naitala lamang ang 43 kaso nito kumpara sa 106 cases noong 2016 elections.
Batay sa datos, 20 katao ang nasawi sa 119 araw ng ng election period mas mababa sa naitalang namatay na 50 katao noong 2016.
Aniya, bagaman nagkaroon ng 41 komosyon-mauling at shooting maituturing pa ring mapayapa ang katatapos na halalan.
Habang hindi naman konektado sa eleksiyon ang mga pagsabog sa Mindanao ilang oras bago ang halalan na maging ang militar ay sinabing isa lamang itong pananakot.
Kaniya ring pinuri ang 517 pulis na umaktong board of election inspectors sa Malabang, Lanao Del Sur at iba pang lugar sa Mindanao nang magsipag-backout ang mga ito.
Maging ang pagbabantay rin aniya sa mga vote counting machines at iba pang election paraphernalia ay naging matagumpay.
Naging aktibo rin ang pulisya sa anti-vote buying operations nila kung saan nakahuli sila ng mahigit 400 katao sa 210 operations.
Inatribute naman ni Albayalde sa kahandaan nila kung bakit napababa nila ang election related incidents gaya aniya ng pagkasabat ng loose firearms at pagsuko ng mga hindi lisensiyadong armas. EUNICE C.
Comments are closed.