(Nabiktima ng Dating app) MALAYSIAN NATIONAL NASAGIP SA 2 KIDNAPPERS

ISANG babaeng Malaysian na akala ay nakita na niya ang kanyang “the one” sa Pilipinas sa pamamagitan ng dating apps ay nauwi sa pagiging kidnap for ransom victim ng dukutin siya ng isang Malaysian at isang Filipino sa airport at saka itinago sa Carmona, Cavite.

Ayon kay Police Gen. Rodolfo Azurin, pinuno ng Philippine National Police (PNP), nagmula pa sa Malaysia ang biktima na kinilalang si Lim Voon Phei, 35- anyos para makipagkita kay Jerry na nakilala niya sa Dating app.

“She arrived in Manila , Sept. 9 where she was met at the airport by a Chinese man who took her to Carmona, Cavite where she was detained,” ani Azurin.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na nagduda ang babae ng ibang tao ang sumundo sa kanya sa airport.
Kasunod nito, puwersahang pinagpadala ng mensahe ang biktima sa kanyang pamilya sa Malaysia para humingi ng 26,000.00 Malaysian Ringgit (P300,000.00) kapalit ng kanyang kalayaan.

Subalit, lingid sa mga suspek ay palihim na nagpadala ng message ang biktima hinggil sa description ng mga dumukot sa kanya at nang sasakyan na ginamit para sunduin siya mula sa airport.

“With these information, operatives of the PNP Anti-Kidnapping Group and Aviation Security Group launched the rescue operation and freed the victim while two suspects were arrested,” anang PNP chief.

Nang matunton ang ginamit na safehouse ay nadakip ng PNP-AKG ang isang Justine Alaraz, 28-anyos; at ang Malaysian na si Chan Yong Howe, 29-anyos.

Hinihinalang may isang Chinese national ang kasabwat din umano ng dalawang suspek na target ngayon ng manhunt operation. VERLIN RUIZ