NABUHAY ANG ROCKETS

rocket vs raptors

UMISKOR si Christian Wood ng 19 points, pawang sa second half, habang kumamada si John Wall ng triple-double nang putulin ng Houston Rockets ang kanilang franchise-record 20-game losing streak sa pamamagitan ng 117-99 panalo kontra bisitang Toronto Raptors.

Si Wood, hindi nakaiskor makaraang kunin ang tatlong fouls sa first half, ang namuno sa run ng Rockets sa double-digit lead sa third quarter.

Tumipa si Wood ng 12 points sa naturang period, at ang kanyang floater sa 3:08 mark ang nagbigay sa Houston ng 86-73 kalamangan.

Tumapos si Wall na may  19 points, 11 rebounds at 10 assists habang nagdagdag si Tate ng 22 points, 6 boards at 5 assists.

Nag-ambag si Sterling Brown ng 20 points at 10 rebounds para sa Rockets, na naglaro na wala sina  Victor Oladipo, Kevin Porter Jr., Eric Gordon at David Nwaba.

GRIZZLIES 132,

CELTICS 126

Nagbuhos si Ja Morant ng 29 points at nagbigay ng 9 assists upang tulungan ang Memphis Grizzlies na malusutan ang bisitang Boston Celtics, 132-126, sa overtime.

Isinalpak ni Morant ang 3 sa 4 free throws sa closing seconds ng  extra period upang tulungan ang Memphis na kunin ang ikatlong panalo sa apat na laro. Naiposte si Dillon Brooks ang lima sa kanyang 24 points sa overtime para pangunahan ang Grizzlies sa pag-outscore sa Boston, 15-9.

Nagdagdag si Jonas Valanciunas ng 16 points at game-high 19 rebounds para sa Grizzlies, na na-split ang two-game season series kontra Boston.

BUCKS 140,

PACERS 113

Nagposte si Jrue Holiday ng season-highs 28 points at 14 assists at pinalawig ng Milwaukee Bucks ang kanilang season-best winning streak sa pitong laro sa pamamagitan ng 140-113 panalo kontra bisitang Indiana Pacers.

Naglaro ang Bucks na wala si two-time reigning NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo (knee) subalit hindi ito ininda kung saan nakalikom sila ng 83 first-half points at umabante ng hanggang 27 points.

Nakakolekta si Khris Middleton ng 25 points, 8 rebounds at 6 assists at nag-ambag si Pat Connaughton ng 20 points at 9  rebounds upang tulungan ang Milwaukee na magwagi sa ika-12 pagkakataon sa nakalipas na 13 games.

JAZZ 120,

BULLS 95

Nagsalansan si Rudy Gobert ng 21 points, 10 rebounds at  career-high nine blocked shots upang tulungan ang Utah Jazz na maitakas ang 120-95 panalo laban sa host Chicago Bulls.

Umiskor si Donovan Mitchell ng team-high 30 points para sa Utah, na tinapos ang five-game road trip na may 3-2 record.  Nagposte rin si Joe Ingles (17 points), Jordan Clarkson (16) at Mike Conley (15) ng double digits para sa league-leading Jazz.

Nagtala si Gobert ng personal record nang supalpalin ang layup attempt ni Coby White sa kalagitnaan ng fourth quarter. Nalagpasan niya ang kanyang naunang high na 8  blocked shots, na naitala niya laban sa Indiana Pacers noong March 20, 2017.

Sa iba pang laro, naungusan ng Charlotte Hornets  ang  San Antonio Spurs, 100-97; pinaamo ng Oklahoma City Thunder ang Minnesota Timberwolves, 112-103; at pinataob ng Sacramento Kings ang Cleveland Cavaliers, 119-105.

Comments are closed.