MADRID, Spain — Umurong sina Rafael Nadal at Carlos Alcaraz sa Monte Carlo Masters, na nagdulot ng pagdududa sa lakas ng kanilang katawan bago ang French Open sa susunod na buwan.
Si Nadal ay naghahanda para sa record-extending 15th French Open title — at 23rd Grand Slam crown, upang burahin ang men’s all-time record na pinagsasaluhan nila ni Novak Djokovic.
“Hi everyone, I’m still not ready to compete at the highest level,” tweet ng 36-year-old na si Nadal.
“I will not be able to play in one of the most important tournaments of my career, Monte Carlo.”
Si Nadal ay nanalo sa Monte Carlo tournament ng 11 beses.
Magsisimula ang French Open sa May 28.
Sinabi ni Nadal na umaasa siyang makabalik na mula sa hip flexor injury na kanyang tinamo sa Australian Open noong January.
Ang Spaniard ay umatras sa hard-court tournaments sa Indian Wells at Miami, kung saan nakatuon siya sa pagbabalik sa pagsisimula ng clay-court season.
Umatras naman si Alcaraz sa Monte Carlo dahil sa hand at back injury problems.
“After two months abroad, I am happy to return home but sad because I finished my last match in Miami with physical discomfort,” sabi ni Alcaraz sa Twitter.
“I will not be able to go to Monte Carlo to start the clay court tour. I have post-traumatic arthritis in my left hand and muscular discomfort in the spine that needs rest to prepare for everything that is to come.”