NADAL UMATRAS SA FRENCH OPEN, POSIBLENG MAGRETIRO SA 2024

Rafael Nadal

UMURONG si Rafael Nadal sa French Open dahil hindi pa gumagaling ang kanyang hip injury at sinabing umaasa siyang ang 2024 ang kanyang magiging huling taon sa professional tennis.

“It’s not a decision I’m taking, it’s a decision my body is taking,” wika ng 36-year-old Spanish player, na naglaro sa claycourt major kada taon magmula noong 2005 at nagwagi ng 14 beses.

Sinabi ni Nadal na magpapahinga siya ng ilang buwan, nangangahulugan na hindi rin siya makapaglalaro sa Wimbledon at US Open.

At sinabi niyang sa susunod na taon ay magreretiro na siya sa career na nakapagbigay na sa kanya ng 22 Grand Slam singles titles.

“It’s probably going to be my last year on the professional tour, I can’t say this 100 percent because you never know what’s going to happen,” pahayag niya sa isang news conference.

“The injury I suffered in Australia has not healed as we hoped. “Roland Garros became impossible. I will not be
there after many years, with everything that (tournament) means to me.”

Sinabi ni Nadal na hindi siya magtatakda ng petsa ng kanyang pagbabalik, ngunit sinabing ang Davis Cup sa November ang maaaring maging potential target.

Ang dating world number one ay hindi pa naglalaro magmula sa Australian Open noong January kung saan niya nakuha ang hip injury sa isang shock second round loss kay Mackenzie McDonald ng United States.