(Nadale sa Piso-Piso click ops) 27 OPISYAL NG CIVIL SECURITY GROUP SINIBAK

Suhol

CAMP CRAME – NASA floating status ang 27 mga tauhan ng Firearms and Explosives Office (FEO) at Supervisory Office for Security and Investigation (SOSIA) at PNP Civil Security Group matapos na sibakin sa kanilang puwesto.

Ang mga ito ay sinibak mismo ni PNP Civil Security Group Director Maj. Gen Roberto Fajardo dahil sa nasasangkot umano sa korupsiyon o ang tinatawag na Piso-Piso click operation o panghihingi ng padulas para pabilisin ang pro­seso ng pagkuha ng mga permit gayundin ng lisensiya.

Kabilang sa mga sinibak ay sina P/LtC. Noli Asuncion, P/LtC. Lorenzo Cobre, P/LtC. Omer Cuadro ng FEO, P/LtC. Ali Jose Duterte, P/LtC. Antonio Bilon ng SOSIA, at maging ang mga section chief ng mga yunit na ito.

Binigyang diin ni Fajardo na nais niyang tuldukan ang tinatawag na Piso Click Transaction kaya pinagsisibak ang mga opis­yal.

Ibinulgar pa ni Fajardo  na, marami rin sa mga tauhan ng SOSIA ang hindi pumapasok dahil rumaraket bilang consultant sa iba’t ibang mga security agency.

Sa huli, nagbigay ng ultimatum si Fajardo sa mga nabanggit na yunit na ayusin ang kanilang hanay sa loob ng tatlong buwan bago siya muling magpatupad ng panibagong balasahan. REA SARMIENTO

Comments are closed.