(NI: CT SARIGUMBA)
BAWAT nilalang ay may kanya-kanyang hugis o laki ng katawan. Mayroong sobrang payat. May mga katamtaman lang din ang laki ng katawan. Samantalang ang iba naman, naso-brahan sa laki ang katawan na kung minsan ay hirap nang gumalaw.
Isa sa kailangan nating ingatan ay ang sobrang katabaan dahil maraming sakit ang puwedeng makuha. Pero mahirap din na-mang pigilin ang pagkain lalo na kung napakasarap na mga putahe ang nasa ating harapan.
Pero dahil nga lang ba sa pagkain ng mga junk food o masama sa kalusugan kaya’t nadaragdagan ang ating timbang?
Hindi lamang ang pagkain ng nakasasama sa kalusugan ang dahilan kaya’t tumataba ang marami sa atin. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga posibleng dahilan:
SOBRANG PAGKONSUMO NG PAGKAIN
Unang-una naman talagang dahilan ng pagtaba ay ang sobrang pagkain. Pero hindi lamang junk food o mga pagkaing hindi mabuti sa katawan ang nagiging dahilan ng pagtaba kundi maging ang mga healthy food.
Sabihin mang healthy food ang kinakain, kung sobra naman ay masama pa rin ito sa katawan at nagiging dahilan ng paglaki o paglobo.
Napakahalaga ng dami ng pagkain gaya ng pagpili sa mga masusustansiyang pagkain. May mga pagkaing kasing sabihin man nating masustansiya ay nagiging dahilan ng paglobo o pagtaas ng timbang lalo na kung sobra-sobra natin itong kinakain.
Kaya naman, huwag makampante. Huwag lamang bantayan ang mga klase ng pagkaing kinakain kundi maging ang dami nito.
DEHYDRATED ANG KATAWAN
Isa rin sa dahilan kaya’t nadaragdagan ang timbang ng isang tao ay kapag kulang sa tubig o dehydrated ang katawan.
Marami sa atin ang hindi mahilig uminom ng tubig. May ilan din na dahil sa kaabalahan ay nakaliligtaan na ang uminom ng tubig.
Kaya naman, siguraduhing nakaiinom ng tamang dami o sapat na tubig na kailangan ng ating katawan nang maiwasan ang de-hydration. Nakatutulong din ang pag-inom ng maraming tubig upang gumanda ang ating balat.
nakabubusog din ang pag-inom ng tubig kaya’t hindi laging nakararamdam ng gutom.
KAKULANGAN SA TULOG
Marami sa atin ang mahilig magpuyat. Ang iba ay dahil sa trabaho. Samantalang ang ilan naman ay dahil sa kapanonood ng mga kinahihiligang palabas.
Kung minsan nga naman, lalo na kung maganda na ang ating pinanonood ay nahihirapan na tayong itigil iyon. Hanggang sa na-mamalayan na lang natin na madaling araw na pala.
Isa pa sa dahilan kung kaya’t nadaragdagan ang timbang ng isang tao ay ang kakulangan sa tulog.
Kung lagi ka nga namang puyat ay mas makadarama ka ng gutom. Dahil din sa kakulangan sa tulog ay naghahanap ang ating utak ng junk food.
Nang maiwasang lumaki o tumaba, tigilan na ang kapupuyat.
STRESS SA TRABAHO
Isa pa ang stress sa dahilan kaya’t nadaragdagan ang timbang o tumataba ang isang tao. Kapag stress din tayo, mas naghahanap ng pagkain at napararami rin ang ating kain.
Oo nga’t hindi naman talaga naiiwasan ang stress lalo na sa trabaho, hindi rin naman kailangang tumigil o mag-resign. Ang mas mainam gawin ay ang i-manage ng maayos ang stress. Gumawa ng paraan kung paano ito maiiwasan.
Halimbawa ay ang pagre-relax matapos ang nakapapagod na araw. Puwedeng magpa-massage o mag-yoga. O kaya naman, lumabas kasama ang mga katrabaho.
Hindi lang pagkain ng masama o hindi mabuti sa katawan ang dahilan kaya’t lumalaki o tumataba ang marami sa atin. Ilan pa ri-to ay ang mga nakalista sa itaas na ibinahagi namin sa inyo. (photos mula sa 1.cbn.com, steemit.com at thehealthy.com)
Comments are closed.