(Nadedma ang gobyerno sa isyu ng WPS) DEFENSE DUDA SA SWS SURVEY

Delfin Lorenzana

CAMP AGUINALDO – TAHASANG inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na duda siya sa sinasabing survey result na ilabas ng Social Weather Station (SWS) na apat sa limang Filipino ang hindi pabor sa kawalan ng aksyon ng gobyerno sa umano’y militarisasyon sa South China Sea.  Aniya, duda siya sa accuracy ng survey.

“Surveys can lie specially if the survey sample  is not representative of the population,” ayon kay Lorenzana.

Bukod dito, sinabi pa ng kalihim sa ginanap na pulong balitaan kasunod ng missile armamnet capability demo kahapon sa Limay, Bataan na maging ang timing ng paglalabas ng survey result na itinaon sa pagbisita ni Chinese President Xi Jingping sa Pilipinas ay kuwestiyu­nable.

Bago dumating si Xi ay inihayag ng SWS na apat sa bawat limang Filipino o 84 porsiyento ng mga Pinoy ay hindi pabor sa kawalan ng pagkilos ng administrasyong Duterte sa mga kaganapan sa West Philippine Sea.

Nabatid na mataas ito ng tatlong punto kum­para sa pag-aaral ng SWS noong Hunyo.

Bigo namang makuhanan ng pahayag ang mga opisyal ng gobyerno partikular ang Department of National Defense at Armed Forces of the ­Philippines hinggil sa nasabing survey result. VERLIN RUIZ

Comments are closed.