Pero dahil napapatungan ng samu’t saring balita sa social media ay nalimutan na rin nating gunitain ang mga namatay noon na dahilan umano ng bakuna. Binigyan ng approval ng FDA dati ngunit binawi rin nitong Pebrero. Pinag-aawayan natin ang isda sa Tsina, pero hindi importante iyon para sa ilang mga magulang na namatayan. Ang tanong nila, “Nasaan na ang hustisya?”
MGA BATANG NAMATAY
“Pumasok po siya ng October 11 ng school. Nu’ng tanghali po dumaing po siyang masakit ang ulo niya. After two weeks po, sumakit na ang tiyan niya. Namatay po si Christine matapos ang apat na araw,” malungkot na pagsasaad ng amang si Nelson.
“Noong October po ay nagkasakit si Anjelica. Noong November ay naospital na siya sa East Avenue. At December namatay na po,” ayon kay Mrs. Pestilos, ina ng bata.
Isinisisi ng pamilyang Colite ang pagkamatay ng anak na si Zandro sa bakuna. Dating malusog ngunit namatay noong December 27 dahil umano sa hemorrhage o pagdurugo sa baga.
Sa San Pablo, Laguna, hinukay at isinalang sa forensic examination ang bangkay ng 10-anyos na si Lenard Baldonado, na naturukan ng bakuna noong Nobyembre 9. Natuklasan ang matinding hemorrhage o pagdurugo sa atay, baga, puso, at utak ng binatilyo.
Nagluluksa rin ang amang si Jeffrey Alimagno dahil sa pagkamatay ng kaniyang 13-anyos na anak na si Rei Jazztine, dahil umano sa dengue shock syndrome noong Enero 3.
PUMAPATAK NA NAMAN ANG ULAN…
Parang kanta lang. Walang humpay ang pag-ulan nitong nakaraang linggo.
Ngayong tila humupa na ang mga bagyo, ipinag-aalala naman ng mga magulang ang mga sakit na puwedeng maidulot nito. Isa na rito ang dengue.
Ang dengue ay isang viral infection na kinakalat ng mga babaeng Aedes mosquito. Ito ay nagiging sanhi ng malalang komplikasyon, pero ang maa-gang diagnosis at maagap na paggamot ay nakapagliligtas ng buhay.
Ayon sa Department of Health (DOH), mula Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan, 70,000 kaso ng dengue ang naitala ng tanggapan.
Lubhang mataas ito kaysa sa naitala noong nakaraang taon na 39,449 cases. Halos doble ang naitaas ng bilang at ayon sa report, maaari pang dumami ang mga biktima ng dengue ngayong nagsisimula na ang tag-ulan.
Dapat palawakin pa ng DOH ang pagbibigay ng impormasyon sa mamamayan tungkol sa dengue. Marami pa rin ang salat sa kaalaman tungkol sa mga lamok na naghahatid ng sakit lalo na ang mga nasa liblib. Isama na rin sa mga aralin sa school ang pag-iingat at paglilinis sa kapaligiran para malipol ang mga lamok. Nakamamatay ang dengue kaya hindi dapat ipagsawalang bahala.
KILALANIN ANG DENGUE
Sa buong mundo, 390M katao bawat taon ang tinatamaan ng dengue. 9.75M o 25% ng mga infected ng dengue ay namamatay.
Ang mga unang sintomas ay nakikita 5-8 araw pagkatapos makagat. Ang mga malalang senyales ay nakikita 3-7 araw pagkatapos lumabas ng unang sintomas.
Panimulang Sintomas ng Dengue
- Pagkakaroon ng lagnat (40°C)
- Malalang sakit ng ulo
- Pananakit sa likod ng mata
- Skin rash
- Pagkahilo at pagsusuka
- Pananakit ng muscles at joints
Ang dengue hemorrhagic fever (DHF) ay isang syndrome na dumadapo sa mga taong mahihina ang resistensiya.
Ang komplikasyon ng dengue ay nagiging sanhi ng abdominal pain, hemorrhage or bleeding, at circulatory collapse or shock.
Malalang Sintomas ng Dengue
- Pagsusuka na may kasamang dugo
- Hirap sa paghinga
- Malalang pananakit ng abdomen
- Pagdurugo ng ilong
- Pagkahilo, mental confusion at seizures
- Pamumutla, at pamamasa ng kamay at paa.
PAG-IWAS SA DENGUE
Wala pang tunay na gamot o antibiotic para sa dengue virus. Hindi naman aprubado ang mga bakuna. Para sa simpleng dengue fever, nakatutok ang paggamot sa pagpapahupa ng mga sintomas. Hydration o pagbibigay ng sapat na likido sa katawan ang isang paraan para ang kumplikasyon ay mai-wasan. Sa bahay, maaaring maglagay ng mga halamang citronella sa paligid.
Siguraduhing walang mga lalagyan ng tubig na nababahayan ng lamok. Itaob ang mga lalagyan palagi at siguraduhing tuyo ang mga ito. Gumamit ng mga kulambo o insect lamps. Makabubuti ang screen sa mga bintana at pinto. Sa eskuwelahan naman ay gumamit ng mosquito patch o anti-mosquito spray. Pagsuotin ng mahabang medyas ang bata. Ibilin sa bata na lumayo sa mga kanal o anumang stagnant water, lalo na sa hardin at playground.
*Quotes
The Times quoted Dr. Scott Halstead, who has been studying dengue since the 1960s, as saying, “The potential danger was not from the vaccine itself but from the immune response to it.”
oOo
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien wellness specialists. God bless dear readers!
Comments are closed.