NADINE IBINUKING SI JAMES NA SA KANYA HUMINGI NG TIPS KUNG PAANO MAG-JUDGE

IBINUKING ni Nadine Lustre na sa kanya pala humingi ng tips sa pagiging judge ang real-and-reel reflectionpartner niya na si James Reid.

“Hindi kasi, ‘di ba, nag-judge rin ako saglit sa ‘Miss Q&A’ (gay pageant sa It’s Showtime). So, napapanood niya, sa ‘Showtime.’ So, tinatanong niya ako, ‘Paano mo nasasabi? Paano mo napapansin ‘yung performance? Paano mo naiisip ‘yung gusto mo’ng sabihin, gusto mong i-comment? Ayun po, sa akin po siya humihingi ng tips,” pagri-reveal ni Nadine sa mediacon ng bagong talent-reality format program sa ABS-CBN, ang “Your Moment.”

That was before pa raw mag-start ang “Idol Philippines” kung saan isa sa juror si James. Pero si Nadine ibinulgar na sa kanyang kapwa niya “Your Moment” judges na sina Asia’s King of Talk Boy Abunda at international artist na si Billy Crawford daw siya nanghingi ng tips sa pagiging judge.

Say ni Kuya Boy, “Ako, personally, and I know Billy share this idea. I was still very protective of Nadine as a judge. Sabihin mo ang gusto mong sabihin. Alam niya ‘yan. Na hindi kami on mic, pero sasabihin ko, ‘Sabihin mo lahat ng narararamdaman mo. Huwag kang magalalala.’ Kasi, you know, when you judge, kumbaga, sa public speaking sinasabi natin ‘yan, e. It’s a combination of instinct and irrationality, ‘di ba?”

Parati raw sinasabi ni Kuya Boy kay Nadine to take her time and say what you want to say.’

“In other words, matagal na kami sa talk business nina Billy, I wanted Nadine to shine. Let me put it this way. I really wanted her to shine.”

Tatlong beses magbibigay ng score ang judges gamit ang ‘emotion meter knob’ during the competition. At lalabas din sa screen ang ‘emotion meter’ na ipapakita ang score ng judges sa twuing papatak sa tatlong  ‘time markers’ (20 seconds, 60 seconds at 90 seconds) ang performance.

And speaking of James, tanggap na ni Nadine na darating ang panahon na magkakanya-kanya na sila ng project ng boyfriend niya.

Gaya na lang nang pagiging judge niya sa “Your Moment” without James. Habang si James naman ay may ibang kapareha sa bago nitong pelikula.

“Like what I said naman po before, hindi naman pwedeng palagi ka­ming magkadikit. Kailangan me­ron din kaming time mag-grow separately. Kasi, healthy naman po ‘yun, e,” esplika ni Nadine.

BOY ABUNDA INAMIN NA ‘DI RAW SIYA ANG FIRST CHOICE SA “YOUR MOMENT”

SPEAKING of Kuya Boy, mahigit isang dekada na since the last time na umupo siya bilang hurado sa boy abundaisang reality-talent show ng Kapamilya network.

“Alam mo nagtataka nga ako, e, kung bakit hindi ako ino-offer. Hahaha. Hindi naman. There was a time when I was asked. Pero, hindi ako first choice rito,” pag-amin ni Kuya Boy.

Pero tumanggi na si Kuya Boy na sabihin kung sino ‘yung first choice na maging hurado ng “Your Moment” na pinalitan niya.

“International name ang first choice rito. Eh, hindi puwede. Buti na lang natawagan ko ng maaga. Sabi ko, ‘Huwag mong tatanggapin.’

“Babantayan kita dito sa Pilpinas. But no, the most flattering comment I got was from one of our partners. When we taped a couple of episodes, he came to me and said, ‘This was meant for you.’ Kaya maraming salamat naman, oo. Doon sa ibang mga contest kung bakit hindi ako kinukuha, it was their lost,” sabay ang malakas na halakhak niya.

Klaro rin kay Kuya Boy ang criteria as his basis sa pagpili ng winning performance and performers para sa isang international show  gaya ng “Your Moment.”

“From a manager’s point of view, ako ang hinanap ko dito sa ‘Your Moment’ is that very difficult combination of excellence and charisma. Uh, because to me if you combine talent and the ‘it,’ you know, ‘yung presence. Talent and the ‘it,’ that becomes your moment. You can have talent, walang dating. You can have all dating wala ka naman talent. Pagsamahin ‘yun, you sparkle. You spark,” esplika ni Kuya Boy.

Huwag palampasin ang world-class talents, mga kwento ng inspirasyon at pagkakaibigan, at nakakamanghang performances sa world premiere ng “Your Moment” sa November 9 sa ABS-CBN.

Comments are closed.