NADINE LUSTRE MAY BAGO NANG BF

MOVIESTAR CHICKA

PINAG-USAPAN sa social media ang mga naglabasang photos ni Nadine Lustre na may kasamang banyagang lalaki na sabi ay ang bagong nagpapatibok sa kanyang puso. Napag-alamang ang nasabing lalaki ay nagngangalang Christophe Barlou.

Kabaliktaran sa inaasahan ng JaDine fans, ikinatuwa ni James Reid ang balita. Sinabi nitong kahit sinong lalaki ay magi­ging happy kung nakapag-move-on na ang dating girlfriend. Dagdag pa ni James, nasa tamang edad na si Nadine kaya nire­respeto niya ang anumang desisyon nito. Magugunitang Enero 2020 nang ianunsiyo ni Nadine na hiwalay na sila ni James.

“I don’t think anyone in that situation is really, you know, excited to see the ex with someone else but you know, that’s not my choice,” pahayag ni James. Wish ni James ang kaligayahan ni Nadine. “I wish her the best, I want her to be happy.”

Ayon pa kay James, friends pa rin sila ni Nadine. Tinutulungan niya ito sa kanyang music at nagkikita sila at least once a week. Hindi naman kagandahan ang mga comments ng ilang netizens sa lalaking ipinalit ni Nadine kay James na isang foreigner na nakilala niya sa Siargao. Tiyak, hindi ikakatuwa ni Nadine ang mga komento ng ibang fans na kesyo para na niyang tiyuhin ang bagong inspirasyon. Iyon ngang iba ay tan­ders kung ilarawan ang bagong pag-ibig ni Nadine. Hindi raw ito bagay na maging boyfriend ni Nadine. Mas bagay raw itong tiyuhin kesa boyfriend. Aray naku.

***

ATE SHAWIE PROUD NA NAGPARETOKE SA US

sharonMatapang na inamin ni Megastar Sharon Cuneta na sumailalim siya sa pagpapatapyas ng boobs o breast reduction procedure sa Amerika. Wala raw siyang balak itago ito kahit pa nga 55 na siya. Bukod sa pagpapabawas, ipinaangat din niya ito nang kaunti sa pamamagitan naman ng breast lift procedure

Matatandaang nagpahaging na si Mega sa planong breast reduction sa isang Instagram post noong Hunyo 13, 2021 kung saan makikita ang litrato nila ni Marco Gumabao na kuha mula sa isang eksena ng pelikulang Revirginized. Litaw na litaw ang malusog na dibdib ng Megastar na nakasuot ng pulang bathing suit. Scene-stealer ang malalim niyang cleavage. Never pa niyang ginawa ito.

“Titigan n’yo na pong mabuti. Kasi may liliit po sa pics na ‘yan. Hahahaha!” caption ni Sharon sa ipinost na picture sa kanyang IG account.

Marami ang naka-appreciate sa honesty ni Sharon. Kung ang iba ay tanggi to death kapag may ipinaretoke sa katawan, si Mega, proud pa.

“Nagpunta ako ng Amerika, di ba? Tumaba ako pero konti lang. May lumiit sa akin. I had my chest reduced. I gained so much weight and then I breastfed Miel,” pagtukoy ni Sharon sa kanyang youngest daughter. “No, I didn’t have implants. It was all natural. But it’s all skin and fats and so I had it reduced.”

Ano naman kaya ang reaksyon ni Senator Kiko Pangilinan sa ginawang breast reduction at breast lift procedure ni Shawie?

***

MARAMI ang nagulat sa biglaang pagpapakasal ng aktres na si Angel Locsin at ang businessman/film producer na si Neil Arce noong Sabado, August 7, sa Taguig. Si Mayor Lino Cayetano ang nagkasal sa dalawa.

Kumalat at biglang pinag-usapan at ikinagulat ng kanilang mga supporters ang vlog na ipinost ng couple noong Saturday, na nagpakasal na sila.  “We got married!”

Sa bagong vlog na ibinahagi ng The Angel and Neil Youtube channel, ipinasilip nila ang kanilang paghahanda sa paglilipat. Kanya-kanya sila ng pag-eempake ng dadalhing gamit sa kanilang bagong tahanan. Tulad ng paglalarawan ni Angel sa kanyang “dream wedding,” gusto niya ay “masaya” at “hindi ilang na ilang kang gumalaw.” ‘Yon nga ang naganap.

Naka-white blazer lang si Angel at black top habang naka-white sweat shirt si Neil. Pareho silang naka-black jeans at sneakers lang. Would you believe? Naka-sneakers lang talaga ang bride at may hawak na bouquet, pero kitang-kita ang saya sa kanilang mga mukha.

Maaalalang naudlot noong nakaraang November ang kasal dahil nga sa pandemya. Ayon sa kanilang wedding planner ang La Belle Fête, gusto talaga nina Angel at Neil na “things simple, no­thing pretentious, warm, welcoming, not too feminine, raw, and real” ang wedding. Maging happy na lang tayo at irespeto ang choice ng bagong kasal. Afterall, buhay nila iyon. Congrats Angel and Neil.

57 thoughts on “NADINE LUSTRE MAY BAGO NANG BF”

  1. 97759 95434Normally I dont learn post on blogs, nonetheless I wish to say that this write-up really pressured me to try and do it! Your writing taste has been surprised me. Thank you, quite great article. 97270

  2. 290924 75179Really fighter messages are supposed to amuse offer praise into the groom and bride. First time audio system watching over the top places really should also remember you see, the senior guideline of the speaking, which is your particular person. finest man speeches brother 791363

Leave a Reply

Your email address will not be published.