NADINE LUSTRE MAY MOVIE SA VIVA

faceup

BABALIK na pala sa Viva Films ni Nadine Lustre. Kung nuon kinalaban niya ang kanyang mother company, idenemanda pa, para ipawalang bisa ang kanyang kontrata. Aba, angel ngayon si Nadine. Nakipag-usap na siya sa mga big boss ng Viva para sa movie projects sa Vivamax.

Ipinaglaban siya ni Atty. Lorna Katipunan kaya naging matindi ang labanan sa korte, pero inu­tusan ng Quezon City RTC si Nadine na igalang ang kanyang contractual obligations sa Viva, at kung hindi, magbabayad siya ng danyos.

Dapat kasi, isipin ng mga talen kapag pipirma ng kontrata na namumuhunan ang film/talents production sa kanila. Kadalasan kasi, kapag sikat na, nagkakaroon na ng sungay. Valid ang kontrata. Kahit pa bigating abogada ang kinuha ni Nadine, ang ending, talo pa rin. Ang tanong, maibalik pa kaya ang kasikatan ni Nadine e, santambak na baguhang female artist ang meron ngayon sa mga del Rosario?

 

 

MARK HERRAS BINITIWAN NI MANAY LOLIT

KUNG nasabihan man ni Lolit Solis na dapat maging masinop sa pera si Mark Herras, manager siya. Karapatan niya iyon. Totoong walang preno ang bibig ni Manay Lolit. Ipinagsabi pa ang pangungutang ni Mark sa kanya ng P30K. Pero ang gusto lang niya na maging seryoso si Mark sa buhay lalo na’t may anak na siya. Kaso, na-bash sa social media ang kanyang manager, kaya minabuti na lang ni Solis na bitiwan si Mark.

Sa dami ng mga ala­ga niya, naiiba si Mark. “Parang anak ko na siya, kaya pinangangaralan ko. Nagmamalasakit lang ako. May pamilya na siya, kaya dapat, maayos ang kanyang finances. Bintiwan ko na siya. Balik siya sa GMA Artists Center. Duon naman sila galing. Magtuloy-tuloy sana ang kanyang mga project at sana ma­ging matino na siya sa paghawak ng pera. Wishing you goodluck Mark, be happy and safe,” ani Lolit.

LIEYNE MENDOZA MISS ANG PAGKANTA

HINDI na-miss ni Pop Princess Lieyne Mendoza ang mga pagkaing Pinoy sa Barcelona, Spain dahil may mga Filipino shops doon. Maraming Pinoy sa Spain. Kapag may oras, nakaka-chat ko ang mother dear niya na si mommy Vilma na laging nangu­ngumusta. Miss na raw nila ang showbiz sa Pinas.

Si daddy Resty naman, kapag hindi busy sa work, may YT channel siya kung saan napi-feature ang mga beautiful spots at culture ng Espanya. Gaya ng Pilipinas, apektado pa rin sila ng pandemya. Mahigpit ang gobyerno doon kaya pag sinabing lockdown, lockdown talaga. Nasa bahay lang sila at isa lang ang pwedeng lumabas para bumili ng mga essentials.

Third year college na si Lieyne sa online studies at may part time job din. Miss niya raw ang pagkanta. Nuong wala pang covid, may mga imbitasyon siya pata kumanta sa Madrid, at iba pang bansa sa Europa pero sa ngayon, hinto raw muna.

172 thoughts on “NADINE LUSTRE MAY MOVIE SA VIVA”

  1. 959073 777620Take a peek at the following guidelines what follows discover perfect approach to follow such a mainly because you structure your small business this afternoon. earn funds 173703

  2. 295927 383618Watch the strategies presented continue reading to discover and just listen how to carry out this incredible like you organize your company at the moment. educational 247825

  3. 91134 858758You produced some decent points there. I looked on the internet for that problem and located most individuals goes along with along along with your internet internet site. 517760

  4. [url=https://medrxfast.com/#]how to get prescription drugs without doctor[/url] ed meds online without doctor prescription

Leave a Reply

Your email address will not be published.