MALIBAN sa kanyang Nails Glow business na nasa 4th floor ng Walter Mart, Munoz ay may sarili na rin ngayong makeup line si Nadine Lustre. Ito ay collaboration niya with BYS Cosmetics, kilalang Australian beauty brand.
Si Nadine ang first Pinay celebrity na nakipag-collaborate sa BYS para sa grand makeup collection. The products are all-shimmer eyeshadow palettes, a highlight and contour palette with unique hues, beach-friendly lip tints, and two bright-hued eyeliners. Mabenta sa online ang nasabing brand ni Ms. Lustre and we heard, maganda ang income dito ng Viva Star.
NEWCOMER SINGER-MODEL MIGZ COLOMA
RECORDS JOJO ESPINO’S COMPOSITION
ANG grupong Salbakuta at si Willie Revillame ang dalawa sa nabigyan ng popular na kanta ng composer na si Jojo Espino na may sarili na ring recording studio. Ngayon naman, ang guwapong newcomer singer-model na si Migz Coloma ang ginawan ni Jojo ng tatlong kanta, ‘Pag Ika’y Kasama, Kayo Naman Bang Dalawa na K-Pop ang dating at ang Ms. Independent “Di Na Ako,” na isang potential hit.
Dalawang song covers ang bubuo sa CD Lite Album ng binata nina Mommy Juvy at Daddy Michael. At last Saturday ay muling nag-record si Migz ng kanyang songs sa studio ni Mr. Jojo. At bilang baguhan ay napabilib ni Migz sa kanyang talent ang nasabing composer dahil nagawa niya ng maayos at mabilis na ma-i-record ang kanyang kanta.
May mga singer(even ‘yung mga sikat) na paulit-ulit ang take kapag nagre-recording at inaabot ng madaling araw. Si Migz, matagal na ang apat o hanggang limang oras. So ibig sabihin ay determinado o seryoso talaga si Migz sa kanyang craft kaya pinagbubuti niya.
Sa kanilang back-to-back concert ni Mara Aragon na “A Dream Come True” ngayong August 17 sa Woorijib Home of Korean Buffet sa Tomas Morato corner Sct. Borromeo kung saan special guest nila ang Star Music Artist na si Ralph Salazar ay mabibili na sa mismong venue ang nasabing CD Lite Album ni Migz.
VIC SOTTO AT JOEY DE LEON NAKISAYA SA BRGY. N.S. AMORANTO KYUSI
FINALLY, nakita last Saturday sa Brgy. N.S Amoranto Quezon City sina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon na sumugod at nakisaya sa lahat kasama ng kapwa EB Dabarkads para sa pagdiriwang ng 40th anniversary ng kanilang longest-running noontime variety show na Eat Bulaga. Sa July 30, ang exact anniversary ng EB pero isang buwan ang ginawang selebrasyon ng show bilang pasasalamat sa lahat ng mga tumangkilik sa kanila mula noong 1979 hanggang sa taong kasalukuyan. Samantala sa rami ng palaro at entertainment ay animo’y naging fiesta ang atmosphere sa N.S Amoranto sa pagsugod ng EB Hosts. For the first time ay sumama sa sugod-bahay sina Bossing at Joey de Leon kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo at Alden Richards, at kumain din ng mga street foods, na nakahilera sa kabuuan ng kalye. Sa gitna ng kalye tumawag si Bossing ng contestant para sa sugod-bahay. At sa kauna-unahang pagkakataon, ay tumawag din si Joey ng isa pang contest-ant. So dalawa ang sugod-bahay winners sa araw na ‘yun. At sobrang lucky ng dalawang napili dahil bukod sa natanggap nilang iba’t-ibang regalo at Bossing Savings Bank, ay tumanggap pa sila ng tig-P100K cash. Dahil sa kilalang public service show na rin ang Bulaga nang malaman nina Bossing Vic at Joey na nasunugan ang nasabing barangay, ngayong araw ay magpapadala pa ang Eat Bulaga ng tulong sa kanila.
Comments are closed.