NADISKUBRE ANG PILIPINAS

KINI-CLAIM ng Espanya na ang Pilipinas ay nadiskubre noong March 16, 1521 ni Portuguese navigator Ferdinand Magellan. Naglayag sila ng napakatagal na panahon hanggang sa matagpuan nila ang archipelago ng Pilipinas.  Nadiskubre niya ang Strait of Magellan sa dulong silangan ng South America. Siya ang kauna-unahang European na naglayag sa Pacific Ocean.

Dumaong ang iba pang barko ni Magellan sa Homonhon island sa Samar noong March 16, 1521 at pinangalanan nila itong Isla San Lazaro, kung saan nagtirik sila ng krus at inangkin ito para sa Espanya.

Taong 1565 ang totoong kolonosasyon sa Pilipinas, sa pagda­ting ni Spanish explorer Miguel Lopez de Le­gaspi sa Nueva España (Mexico). Nagtayo sila ng unang European settlements in Cebu.

Pero kung tutuusin, ang unang first migrants sa Pilipinas na hindi pa Pilipinas noon ay ang tinatawag na “Dawnmen” (o “cavemen” dahil nakatira sila sa mga kuweba). Kamukha sila ng Java Man, Peking Man, at iba pang Asian Homosapiens na namuhay sa mundo noong 250,000 years ago. Wala silang alam sa pagtatanim kaya ang ikinabubuhay nila ay pangingisda at panghuhuli ng hayop. – LEANNE SPHERE