(Nadiskubreng may ilegal na aktibidad) INUUPAHANG APARTMENT NG TSINO IPINADLAK

isinara

PASAY CITY – DA­LAWANG apartment unit sa isang compound na inuupahan ng isang Tsino ang ipinasara kahapon ng Pasay City Business Permit and Licensing Office (BPLO) makaraang madiskubre na may mga nangyayaring ilegal sa naturang lugar.

Nilusob ng mga tauhan ng Pasay City BPLO, na armado ng closure order at pinamunuan ni Noel Bilusi, dakong alas-10:00 ng umaga kahapon ang dalawang apartment unit na inuupahan ng Hong Kong national na  may pangalang Ivan.

Sa pagpasok ng mga tauhan ng BPLO sa compound na pag-aari ni Tess Rivera na kasama rin sa naturang operasyon ay nagulat ang mga ito nang ma­kita nila na ginawang bodega ang isa sa dalawang unit ng apartment na inupahan ni Ivan kung saan ay iniimbakan ito ng mga kontrabando tulad ng mga pabango, T-shirts at mga pagkain na pawang may nakasulat na Chinese characters.

Sa isang unit na inu­pahan pa ni Ivan ay nadiskubre sa isang kuwarto nito na may hinihinalang online gaming na may trabahador na pawang mga Chinese nationals din.

Sa pagkakadiskub­reng ito ng mga tauhan ng BPLO ay agad silang humingi ng ayuda sa Pasay City police upang imbestigahan ang mga nakalap na ebidensiya sa naturang compound kabilang na rin ang mga Tsino na nagtatrabaho sa nasabing ‘di umano’y online gaming ni Ivan.

Nauna rito, naghain ng reklamo sa BPLO si Rivera, na siyang sinasabing tagapagmana ng naturang compound, makaraang umabot sa kanyang kaalaman na may ilegal na nangyayaring gawain si Ivan sa kanyang apartment units.

Ang mga nakumpiska ay  iniimbentaryo ng pulisya samantalang sa beripikasyon naman sa mga dokumento ng mga Tsino ay nadiskubre rin na pawang walang mga tatak mula sa immigration ang kanilang mga pasaporte. MARIVIC                   FERNANDEZ

Comments are closed.