PINURI ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mahigit 250,000 opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa kanyang unang talumpati sa Monday regular flag raising kahapon.
Sa kanyang talumpati ay sinabi nitong saludo siya sa pulis at ang pinag-ugatan nay ang paghanga niya sa kanyang lolo na isa ring pulis.
Inilarawan ni Abalos na ang kanyang lolo na mahilig magbasa ng Law books at ini-apply sa sarili ang mga natutunan kaya naman bata pa lamang siya ay alam na niya ang nararapat na function ng isang pulis.
Aniya, napatunayan niyang isang dakilang serbisyo ang ginagampanan ng pulis lalo na ng panahon ng pandemya kaya naman kanyang binabati ang mga alagad ng batas sa maayos na tungkulin habang kinilala rin ang paggabay ni dating Interior Secretary Eduardo Año.
“You have your work, worked perfectly. Job well done!,” ang pagbati ni Abalos sa mga pulis.
Sinabi pa ni Abalos na alam niya ang mga hamon sa trabaho ng pulis kagaya ng mga nadidismis na kaso ng mga inaksyunan sa anti-illegal drug operations kaya naman bubuo siya ng team para i-evaluate ang mga kaso.
Aniya l, buo ang kanyang suporta sa PNP at kakampi siya subalit sa mga scalawags o nagkakamali ay kanyang kakastiguhin at paalisin sa serbisyo.
“Nasa likod nyo ako, basta legal lahat ako ang kakampi n;yo ako. Kung ako tutulong, pero dapat mawala rin ang scalawags Tandan nyo yan patatanggal ko kayong lahat,” pahayag pa ni Abalos.
EUNICE CELARIO