NAG-AABANG NG JEEP PATAY SA POSTE SA MARIKINA

PATAY ang 16-anyos na lalaki habang dalawang iba pa ang sugatan matapos mabagsakan ng gumuhong waiting shed na nabuwalan ng poste sa Major Dizon Street sa Marikina City.

Natumba ang ilang mga poste ng kuryente matapos mahatak ng truck ang kawad nito.

Naghihintay lang umano ng jeep pa-Cubao ang binata nang bumangga sa poste ang truck, na kung saan ay tumumba naman sa waiting shed.