NAGBUHOS si Devin Booker ng game-high 36 points, nagtala sina Deandre Ayton at Chris Paul ng double-doubles at pinalawig ng Phoenix Suns ang kanilang winning streak sa anim na laro sa pamamagitan ng 133-130 panalo kontra host Houston Rockets noong Lunes.
Isinalpak ni Booker ang apat na free throws sa huling 37.8 segundo at naagaw ang pasa ni Jae’Sean Tate sa final buzzer upang selyuhan ang panalo. Tumapos si Booker na may 6 of 8 mula sa 3-point range, 8 of 9 sa free-throw line at nagdagdag ng 6 rebounds at 6 assists.
Sina Ayton (27 points, 11 rebounds) at Paul (19 points, 11 assists) ay bahagi ng dynamic offensive performance ng Suns na kinabilangan ng 18-of-37 effort sa 3-point tries.
Umiskor si Mikal Bridges ng 20 points habang gumawa sina Paul at Cameron Johnson (12 points) ng tig-3 tres.
NETS 114,
KNICKS 112
Tumipa si Kyrie Irving ng 40 points, kabilang ang isang krusyal na 3-pointer sa final minute, at naipasok ni Jeff Green ang pares ng free throws, may 3.7 segundo ang nalalabi upang selyuhan ang 114-112 comeback win ng Brooklyn Nets laban sa New York Knicks.
Tumapos si Jeff Green na may 23 points para sa Nets, na sinimulan ang araw na katabla ang Philadelphia sa ibabaw ng Eastern Conference.
Umiskor si Harris ng 16 points at kumalawit ng team-high eight rebounds, at nagdagdag si Alize Johnson ng 12 points at 7 rebounds mula sa bench.
Nagposte si Julius Randle ng triple-double na may 19 points, 15 rebounds at 12 assists para sa Knicks.
MAVERICKS 111,
JAZZ 103
Nakalikom si Luka Doncic ng 31 points, 9 rebounds at 8 assists upang pangunahan ang host Dallas Mavericks sa 111-103 panalo kontra Utah Jazz.
Bumuslo si Doncic ng 6 of 11 mula sa 3-point range upang tulungan ang Mavericks na makalayo para sa kanilang ika-5 sunod na panalo. Nagdagdag sina Dorian Finney-Smith ng 23 points at Jalen Brunson ng 20 mula sa bench. Nag-ambag si Josh Richardson ng 17 kung saan naipasok niya ang lahat ng kanyang limang tira mula sa 3-point range, at umiskor si Tim Hardway, Jr. ng 16 points.
Kumamada si Mike Conley ng 28 points at nagtala ng 6 of 10 mula sa 3-point range upang pangunahan ang Utah. Nag-dagdag sina Donovan Mitchell, Jordan Clarkson, at Bojan Bogdanovic ng tig-16 puntos bagaman nagmintis si Mitchell ng 17 sa 23 shots mula sa field. Nagposte si Rudy Gobert ng 14 points at 15 rebounds.
PISTONS 132,
THUNDER 108
Tumabo si Jerami Grant ng 21 points upang pangunahan ang Detroit Pistons sa 132-108 panalo laban sa host Oklahoma City Thunder.
Ang game ay opener ng five-game road trip para sa Pistons, na bumawi mula sa 44-point loss sa New York Knicks noong Sabado at nag-wagi ng tatlo sa kanilang huling limang laro.
Nalasap ng Thunder ang ikatlong sunod na pagkabigo at ika-6 sa huling pitong laro.
Pitong players ng Detroit ang umiskor ng double figures, kung saan nag-ambag sina Josh Jackson at Sekou Doumbouya ng tig-14.
Sa iba pang laro ay kumana si Darius Garland ng career-high 37 points at nagdagdag si Collin Sexton ng 22 nang maitakas ng bisitang Cleveland Cavaliers ang 125-101 panalo kontra San Antonio Spurs upang putulin ang five-game losing streak.
Isinalpak ni Gary Trent Jr. ang isang 3-pointer habang paubos ang oras upang bitbitin ang Toronto Raptors sa 103-101 panalo laban sa Washington Wizards.
394877 117781In case you are viewing come up with alter in most of the living, starting point usually L . a . Weight reduction cutting down on calories platform are a wide stair as part of your attaining that most agenda. weight loss 505249
690025 763417Hey there! Very good post! Please when all could see a follow up! 76355
358945 871878I discovered your blog internet web site on bing and appearance several of your early posts. Preserve up the really good operate. I just now additional the RSS feed to my MSN News Reader. Seeking toward reading far more on your part down the road! 947765