(Nag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Heneral Gregorio del Pilar sa Malolos, Bulacan) PRRD NANGUNA SA SELEBRASYON NG ARAW NG KALAYAAN

SA Malolos City, Bulacan nagdaos ng selebrasyon para sa ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Bahagi ng programa ang pag-aalay ng bulaklak at pagasaludo ng Punong Ehekutibo sa bantayog ng pinakabatang naging heneral na si Gregorio Del Pilar, sa harap ng Bulacan Provincial Capitol sa nasabing lungsod.

Inasistehan naman ang Pangulo nina Philippine National Police, Chief, Gen. Guillermo Eleazar, Bulacan Governor Daniel Fernando at iba pang opisyal ng lalawigan at ng pulisya.

Samantala, bago ang pagdating ng Pangulo ay nagkaroon din ng munting programa sa Barasoain Church.

Pinangunahan ng gobernador kasama si Gng. Rosario Sapitan, na kinatawan ng pambansang komisyon ng kasaysayan at ilang kawani ng local na pamahalaan.

Kasunod ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Labis ang pasasalamat ng gobernador kay Pangulong Duterte dahil ang lalawigan ang napiling lugar para iselebra ang Araw ng Kalayaan. THONY ARCENAL

Comments are closed.